M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang paglimot sa kasalanang pagpatay kung di malaman ang pumatay.
21 Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya:
2 Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay:
3 At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok;
4 At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis:
5 At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, (A)sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at (B)ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:
6 At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay (C)maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis:
7 At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata.
8 Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, (D)at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila.
9 Gayon (E)mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
Pagaasawa sa bihag na babae.
10 Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag,
11 At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa,
12 Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko;
13 At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, (F)at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa.
14 At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, (G)huwag mo siyang aalipinin, (H)sapagka't iyong pinangayupapa siya.
Batas tungkol sa pagmamana.
15 Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, (I)at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan:
16 Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;
17 Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan (J)sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; (K)sapagka't siya (L)ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.
18 Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:
19 Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;
20 At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing.
21 At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: (M)gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng (N)buong Israel, at matatakot.
22 Kung ang isang lalake ay magkasala (O)ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;
23 (P)Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; (Q)sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang (R)huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.
Awit, Salmo ni David.
108 Ang aking (A)puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2 Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 (B)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga (C)alapaap.
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6 (D)Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8 Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
9 Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
(E)Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10 Sinong magpapasok sa akin sa (F)bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
(G)At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 (H)Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
109 Huwag kang mapayapa, (I)Oh Dios na aking kapurihan;
2 Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin:
Sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3 Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim,
At nagsilaban sa akin (J)ng walang kadahilanan.
4 Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila:
Nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5 At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
At pagtatanim sa pagibig ko.
6 (K)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (L)kaaway sa kaniyang kanan.
7 (M)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (N)kaniyang dalangin.
8 (O)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9 (P)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (Q)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (R)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (S)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (T)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (U)niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan,
Kundi hinabol ang (V)dukha at mapagkailangan,
At ang may bagbag na puso, upang patayin.
17 (W)Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya;
At hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18 (X)Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit,
At nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig,
At parang langis sa kaniyang mga buto.
19 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal,
At gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon,
At sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, (Y)alang-alang sa iyong pangalan:
(Z)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan,
At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23 Ako'y yumayaong (AA)gaya ng lilim pagka kumikiling:
Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24 Ang aking mga (AB)tuhod ay mahina sa pagaayuno,
At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25 Ako nama'y naging (AC)kadustaan sa kanila:
Pagka kanilang nakikita ako, kanilang (AD)pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26 (AE)Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios;
Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay;
Na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka:
Pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya,
Nguni't ang iyong lingkod ay (AF)magagalak.
29 (AG)Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko,
At matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon;
Oo, aking pupurihin (AH)siya sa gitna ng karamihan.
31 Sapagka't (AI)siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan,
Upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Pinagsalitaan ang Israel dahil sa di pagtatapat.
48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, (A)at nagsilabas sa bukal ng Juda; (B)na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng (C)Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.
2 (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala (D)sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):
3 (E)Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.
4 Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay (F)mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:
5 Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: (G)baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.
6 Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.
7 Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.
8 Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang (H)mula sa bahay-bata.
9 Dahil (I)sa aking pangalan ay (J)aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.
10 Narito dinalisay (K)kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa (L)hurno ng kadalamhatian.
11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; (M)sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? (N)at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.
Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.
12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (O)Ako nga; (P)ako ang una, ako rin ang huli.
13 Oo, ang aking kamay ay siyang (Q)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.
14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (R)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (S)Siyang iniibig ng Panginoon ay (T)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (U)Caldeo.
15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (V)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.
16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (W)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (X)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.
17 Ganito ang sabi ng (Y)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (Z)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:
19 Ang (AA)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (AB)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (AC)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (AD)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (AE)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Walang kapayapaan (AF)sa masama, sabi ng Panginoon.
18 (A)Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; (B)at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, (C)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging (D)tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng (E)bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
3 Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid (F)ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at (G)ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
4 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (H)Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
5 Sapagka't ang kaniyang mga (I)kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng (J)Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
6 Ibigay din ninyo ang (K)ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: (L)sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
7 (M)Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, (N)Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
8 Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; (O)at siya'y lubos na susunugin sa apoy; (P)sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
9 At (Q)ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay (R)mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, (S)pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, (T)Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
11 At (U)ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
12 Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
13 At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at (V)mga kaluluwa ng mga tao.
14 At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
15 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, (W)na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
16 Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At (X)bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
18 At nangagsisisigaw (Y)pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, (Z)Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
19 At sila'y (AA)nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh (AB)langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; (AC)sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
21 (AD)At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, (AE)Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
22 At (AF)ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga (AG)musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; (AH)at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, (AI)at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't (AJ)ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; (AK)sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
24 At nasumpungan (AL)sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga (AM)pinatay sa lupa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978