Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 9

Inulit ni Moises ang kasaysayan ng dalawang tapyas na bato at ang guyang ginto.

Dinggin mo, Oh Israel, ikaw (A)ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang (B)mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,

Isang bayang malaki at mataas ng mga (C)anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?

Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay (D)siyang mangunguna sa iyo na parang (E)mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; (F)sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.

(G)Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na (H)dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo.

(I)Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang (J)salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.

Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang (K)matigas ang ulo.

Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: (L)mula nang araw na kayo'y umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayo'y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon.

Gayon din (M)sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin.

(N)Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, (O)ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.

10 (P)At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yao'y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy (Q)nang araw ng kapulungan.

11 At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.

12 At sinabi ng Panginoon sa akin, (R)Tumindig ka, manaog kang madali rito; sapagka't ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama; (S)sila'y madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila; sila'y nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo.

13 (T)Bukod dito'y sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang matigas ang ulo:

14 (U)Bayaan mo ako na aking lipulin sila, at (V)aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit; at (W)gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila.

15 Sa gayo'y (X)pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at (Y)ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.

16 At (Z)tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.

17 At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.

18 At (AA)ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, (AB)gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;

19 Sapagka't natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni't (AC)dininig din naman ako noon ng Panginoon.

20 At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.

21 At (AD)aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.

Ang Israel ay naging mapanghimagsik at si Moises ay namagitan.

22 At sa (AE)Tabera, at sa (AF)Massa, at sa (AG)Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.

23 At (AH)nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at (AI)hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.

24 Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.

25 Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.

26 (AJ)At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.

27 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:

28 Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: (AK)Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.

29 (AL)Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.

Mga Awit 92-93

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
(D)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (E)totoong malalim.
(F)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
Sapagka't, narito, (G)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (H)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (I)iyong pinataas na parang sungay ng (J)mailap na toro:
(K)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (L)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (M)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (N)cedro sa Libano.
13 (O)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (P)aking malaking bato, (Q)at walang kalikuan sa kaniya.

Ang karangalan ng Panginoon.

93 Ang Panginoon ay (R)naghahari; (S)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (T)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (U)natatag, na hindi mababago.
(V)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(W)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.

Isaias 37

Si Ezechias sa kaniyang pagkabahala ay ipinasundo si Isaias.

37 (A)At nangyari, nang marinig ng haring Ezechias ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon.

At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote, na may balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amoz

At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, (B)Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng paghamak: sapagka't (C)ang mga anak ay dumating sa kapanganakan, at walang kalakasang ipanganak.

Marahil ay pakikinggan ng Panginoon mong Dios ang mga salita ni Rabsaces, na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buháy na Dios, at sansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa (D)nalabi na naiwan.

Sa gayo'y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay naparoon kay Isaias.

At sinabi ni Isaias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria.

Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kaniya, at (E)siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.

Ang sulat ni Sennacherib kay Ezechias.

Sa gayo'y bumalik si Rabsaces, at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna: sapagka't nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis.

(F)At kaniyang narinig na sinabi tungkol kay (G)Tirhakah na hari sa Etiopia, Siya'y lumabas upang makipaglaban sa iyo. At nang kaniyang marinig, siya'y nagsugo ng mga sugo kay Ezechias, na sinasabi,

10 Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda, na sasabihin, Huwag kang padaya sa iyong Dios na iyong tinitiwalaan, na sabihin, Ang Jerusalem ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria.

11 Narito nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain, na yao'y sinira ng lubos: at maliligtas ka baga?

12 Iniligtas baga sila ng mga dios ng mga bansa, na siyang nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, ng Haran; at ng Rezeph, at ng mga anak ni Eden, na nangasa Thelasar?

13 Saan nandoon ang hari sa (H)Hamath, at ang hari sa Arphad, at ang hari ng bayan ng Sepharvaim, ng Henah, at ng Hivah?

Ang panalangin ni Ezechias.

14 At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo, at binasa: at umahon si Ezechias sa bahay ng Panginoon, at binuklat sa harap ng Panginoon.

15 At si Ezechias ay dumalangin sa Panginoon, na kaniyang sinabi,

16 Oh Panginoon ng mga hukbo, na Dios ng Israel, na (I)nakaupo sa mga kerubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang, sa lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang gumawa ng langit at lupa.

17 (J)Ikiling mo ang (K)iyong pakinig, Oh Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin ka; at pakinggan mo ang lahat na salita ni Sennacherib, na kaniyang ipinasabi upang ipanungayaw sa buháy na Dios.

18 Sa katotohanan, Panginoon, ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari sa Asiria at ang kanikanilang lupain.

19 At inihagis ang kanikanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato; kaya't kanilang sinira.

20 Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami sa kaniyang kamay, (L)upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa, na ikaw ang Panginoon, ikaw lamang.

Ipinahatid ni Isaias ang pangaliw na sagot ng Panginoon.

21 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amoz kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria.

22 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya: Hinamak ka ng (M)anak na dalaga ng Sion, at tinawanan kang mainam; iginalaw ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo.

23 Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? laban nga sa Banal ng Israel.

24 Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon, at nagsabi ka, Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa pinakataluktok na kataasan, ng gubat ng kaniyang mabuting bukid.

25 Ako'y humukay at uminom ng tubig, at aking tutuyuin ng talampakan ng aking mga paa ang lahat ng mga ilog ng Egipto.

26 Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking pinanukala ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton.

27 Kaya't ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila'y nanganglupaypay at nangatulig; sila'y parang damo sa bukid, at sariwang gugulayin, (N)parang damo sa mga bubungan, at parang bukid ng trigo bago tumaas.

28 Nguni't talastas ko ang iyong pagupo, at ang iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong galit laban sa akin.

29 Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kapalaluan ay nanuot sa aking mga pakinig, kaya't ilalagay ko ang (O)aking taga ng bingwit sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at pababalikin kita sa daan na iyong pinanggalingan.

30 At ito ang magiging tanda sa iyo: kayo'y magsisikain sa taong ito ng tumutubo sa kaniyang sarili, at sa ikalawang taon ay ng tumubo doon; at (P)sa ikatlong taon ay kayo'y mangaghasik, at magsiani, at mangagtanim ng mga ubasan, at kumain ng bunga niyaon.

31 (Q)At ang nalabi na nakatanan sa sangbahayan ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas.

32 Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang (R)nalabi, at mula sa bundok ng Sion ay silang magtatanan. Isasagawa ito (S)ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

33 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asiria, (T)Siya'y hindi paririto sa bayang ito o magpapahilagpos man ng pana diyan, o haharap man siya diyan na may kalasag, (U)o mahahagis ang bunton laban diyan.

34 Sa daan na kaniyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya paririto sa bayang ito, sabi ng Panginoon.

35 (V)Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.

Si Sennacherib ay nawalan ng loob at pinatay.

36 At ang anghel ng Panginoon ay (W)lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay mga katawang bangkay.

37 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, (X)at yumaon at umuwi, at tumahan sa Ninive,

38 At nangyari, nang siya'y sumasamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adremelech at ni Sarezer na kaniyang mga anak at sila'y nagtanan sa lupain ng Ararat. At si Esarhadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Apocalipsis 7

At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, (A)na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak (B)ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,

Na nagsasabi, (C)Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.

At narinig ko ang bilang (D)ng mga natatakan, na (E)isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (F)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (G)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (H)palma sa kanilang mga kamay;

10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,

(I)Ang pagliligtas ay sumaaming Dios (J)na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

12 Na nangagsasabi,

(K)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.

13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (L)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (M)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.

16 Sila'y hindi na magugutom pa, (N)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:

17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (O)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (P)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978