Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 8

Ang mabiyayang pakikisama ng Panginoon ay inalaala.

Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa, (A)upang kayo'y mangabuhay at dumami, at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang.

At iyong aalalahanin ang buong paraan (B)na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, (C)at subukin ka, (D)na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.

At ikaw ay pinapangumbaba niya, at (E)pinapagdamdam ka niya ng gutom, (F)at pinakain ka niya ng maná, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo (G)na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.

(H)Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo, ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung taon.

At iyong pagmunimuniin sa iyong puso, (I)na kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios.

At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya.

Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, (J)na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok.

Lupain ng trigo at ng sebada at ng (K)puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot:

Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang (L)mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.

10 At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo.

11 Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito:

12 (M)Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog, at nakapagtayo ng mabubuting bahay, at iyong natahanan;

13 At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;

14 (N)Ay magmataas ang iyong puso, at (O)iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;

15 Na (P)siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan (Q)ng mga makamandag na ahas at (R)mga alakdan, at (S)uhaw na lupa, na walang tubig; (T)na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;

16 Na siyang nagpakain sa iyo (U)ng maná sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, (V)na pabutihin ka sa iyong wakas:

17 At baka iyong sabihin sa iyong puso, Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito.

18 Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, (W)sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito.

19 At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila (X)ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol.

20 Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo, (Y)ay gayon kayo malilipol; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

Mga Awit 91

Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.

91 Siyang (A)tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.
Ay mananatili (B)sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (C)siyang aking tinitiwalaan.
Sapagka't kaniyang ililigtas (D)ka sa silo ng paninilo,
At sa mapamuksang salot.
Kaniyang tatakpan ka (E)ng kaniyang mga bagwis,
At sa (F)ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:
Ang kaniyang katotohanan (G)ay kalasag at baluti.
(H)Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,
Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,
(I)Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,
At sangpung libo sa iyong kanan;
Nguni't hindi lalapit sa iyo.
(J)Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,
At iyong makikita ang ganti sa masama.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!
Iyong ginawa ang Kataastaasan na (K)iyong tahanan;
10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,
Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
11 (L)Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
(M)Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:
Ang batang leon at ang ahas (N)ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya:
Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't (O)kaniyang naalaman ang pangalan ko.
15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;
Ako'y (P)sasa kaniya sa kabagabagan:
Aking ililigtas siya, at pararangalan (Q)siya.
16 Aking bubusugin siya (R)ng mahabang buhay,
At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Isaias 36

Sinalakay ni Sennacherib ang Juda.

36 Nangyari nga (A)nang ikalabing apat na taon ng haring Ezechias, na umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda, at pinagsakop.

(B)At sinugo ng hari sa Asiria si Rabsaces sa Jerusalem mula sa Lachis sa haring Ezechias, na may malaking hukbo. At siya'y tumayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng lalong mataas na tipunan ng tubig sa lansangan ng parang ng tagapagpaputi.

Nang magkagayo'y nilabas siya ni Eliacim na anak ni Hilcias, na (C)katiwala sa bahay, at ni Sebna na kalihim, at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni.

Ang mabangis na pananalumpati ni Rabsaces.

At sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias, Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asiria, Anong pagasa itong iyong tinitiwalaan?

Aking sinasabing ang iyong payo at kalakasan sa pakikidigma ay mga salita lamang na walang kabuluhan: ngayo'y kanino ka tumitiwala na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?

Narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito (D)na tambong lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto, na kung ang sinoman ay sumandal, ay bubutas sa kaniyang kamay, at tatasakan: nagiging (E)gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya.

Nguni't kung iyong sabihin sa akin, Kami ay nagsisitiwala sa Panginoon naming Dios: hindi baga siya'y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako at ng mga dambana, at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem, Kayo'y magsisisamba sa harap ng dambanang ito?

Ngayon nga isinasamo ko sa iyo, na magbigay ka ng mga sanla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mananakay sa mga yaon.

Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang kapitan sa pinakamababa sa mga alipin ng aking panginoon, (F)at ilalagak mo ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at dahil sa mga mangangabayo?

10 At ako baga'y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa lupaing ito upang lipulin? Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito, at iyong lipulin,

11 Nang magkagayo'y sinabi ni Eliacim, at ni Sebna at ni Joah kay Rabsaces, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay magsalita sa iyong mga lingkod sa wikang Siria: sapagka't aming naiintindihan: at huwag kang magsalita sa amin sa wikang Judio, sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta.

12 Nguni't sinabi ni Rabsaces, Sinugo baga ako ng aking panginoon sa iyong panginoon, at sa iyo, upang magsalita ng mga salitang ito? di baga niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta, upang kumain ng kanilang sariling dumi, at upang uminom ng kanilang tubig na kasama ninyo?

13 Nang magkagayo'y tumayo si Rabsaces, at humiyaw ng malakas na tinig sa wikang Judio, at nagsabi: Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria.

14 Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong padaya kay Ezechias; sapagka't hindi niya maililigtas kayo:

15 O patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin: Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon; ang bayang ito ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria.

16 Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo sa kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa sa kaniyang puno ng igos, at inumin ng bawa't isa sa inyo ang tubig ng kaniyang sariling balon:

17 (G)Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan.

18 Huwag kayong pahikayat kay Ezechias, na sabihin, Ililigtas tayo ng Panginoon. Nagligtas baga ang sinoman sa mga dios ng mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria?

19 Saan nandoon ang mga dios ng Hamath at ng Arphad? saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim? iniligtas baga nila ang (H)Samaria sa aking kamay?

20 Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupaing ito, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay?

21 Nguni't sila'y nagsitahimik, at hindi nagsisagot sa kaniya ng kahit isang salita: sapagka't iniutos nga ng hari na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya.

22 Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang tagapamahala sa bahay, at si Sebna na kalihim at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces.

Apocalipsis 6

At nakita ko (A)nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.

At tumingin ako, at narito, ang (B)isang kabayong maputi, at (C)yaong nakasakay dito ay may isang busog; (D)at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.

At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.

At may (E)lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang (F)magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.

At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang (G)isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may (H)isang timbangan sa kaniyang kamay.

At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at (I)huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.

At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.

At tumingin ako, at (J)narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, (K)na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng (L)dambana (M)ang mga kaluluwa ng mga pinatay (N)dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:

10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (O)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

11 At binigyan (P)ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, (Q)na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.

12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (R)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (S)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;

13 At ang mga bituin sa langit ay (T)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.

14 At ang langit ay nahawi na gaya (U)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (V)bundok at (W)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.

15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, (X)ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;

16 At sinasabi nila sa mga bundok (Y)at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha (Z)noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:

17 Sapagka't dumating na (AA)ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; (AB)at sino ang makatatayo?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978