Exodo 29:12
Ang Biblia (1978)
12 At (A)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (B)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
Read full chapter
Levitico 4:7
Ang Biblia (1978)
7 At ang saserdote ay (A)maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay (B)ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: (C)at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
Read full chapter
Levitico 8:15
Ang Biblia (1978)
15 At pinatay niya; at (A)kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978