M’Cheyne Bible Reading Plan
Nagpadala ng tiktik sa Jerico; Sapagka't namanmanan ay ikinubli ni Rahab, at pinayaon.
2 At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa (A)Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at (B)pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay (C)Rahab, at nakituloy doon.
2 At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.
3 At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.
4 (D)At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:
5 At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.
6 Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.
7 At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.
8 At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.
9 At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng (E)pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
10 Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; (F)at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
11 (G)At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming (H)puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; (I)sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.
12 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, (J)sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;
13 At inyong ililigtas na buháy ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.
14 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.
15 Nang magkagayo'y kaniyang (K)pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.
16 At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.
17 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.
18 Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang (L)iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.
19 At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang (M)kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.
20 Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.
21 At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.
22 At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.
23 Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.
24 At kanilang sinabi kay Josue, (N)Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
124 (F)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(G)Sabihin ng Israel ngayon,
2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3 Nilamon nga nila sana (H)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4 Tinabunan nga sana tayo (I)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6 Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7 (J)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8 (K)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.
Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (L)hindi bubuhatin sa (M)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa (N)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(O)Kapayapaan nawa ay suma Israel.
Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.
62 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang (A)kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
2 (B)At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at (C)ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; (D)at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
3 Ikaw naman ay magiging (E)putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.
4 (F)Hindi ka na tatawagin pang (G)Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.
5 Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon (H)magagalak ang Dios sa iyo.
6 (I)Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,
7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.
8 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay[b] ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
9 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon (J)sa mga looban ng aking santuario.
10 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; (K)inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; (L)mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, (M)Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, (N)Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang (O)kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
12 At tatawagin nila sila (P)Ang banal na bayan, (Q)Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang (R)hindi pinabayaan.
10 At (A)pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.
2 (B)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (C)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (D)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (E)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4 Si Simon na Cananeo, (F)at si Judas (G)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
5 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo (H)sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga (I)taga Samaria:
6 Kundi bagkus (J)magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.
7 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, (K)Ang kaharian ng langit ay malapit na.
8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
9 (L)Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot:
10 Kahit (M)supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: (N)sapagka't ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.
11 At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis.
12 At pagpasok ninyo sa bahay, (O)ay batiin ninyo ito.
13 At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo.
14 At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay (P)ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.
15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (Q)Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon.
16 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: (R)mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.
17 Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga (S)Sanedrin at kayo'y hahampasin (T)sa kanilang mga sinagoga;
18 Oo at (U)kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, (V)huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: (W)sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.
20 Sapagka't (X)hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.
21 At ibibigay (Y)ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.
22 (Z)At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
23 Datapuwa't (AA)pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, (AB)hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.
24 (AC)Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.
25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub (AD)ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!
26 Huwag nga ninyo silang katakutan: (AE)sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.
27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa (AF)impierno.
29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
32 Kaya't ang bawa't kumikilala (AG)sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman (AH)siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
33 Datapuwa't (AI)sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
34 Huwag ninyong (AJ)isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
35 Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake (AK)laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae:
36 At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.
37 Ang (AL)umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.
38 At (AM)ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin.
39 Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay (AN)mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon.
40 Ang tumatanggap sa inyo ay (AO)ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta: at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid.
42 At (AP)sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978