M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang paghahandog ng unang bunga.
26 At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;
2 (A)Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, (B)at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:
3 At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.
4 At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.
5 At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, (C)Isang taga Siria na (D)kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na (E)kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:
6 At kami ay tinampalasan ng (F)mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:
7 At (G)kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;
8 At (H)inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:
9 At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang (I)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
10 At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:
11 At (J)magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.
12 Pagkatapos mo ng pagbibigay ng (K)buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na (L)siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;
13 At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos (M)na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko:
14 (N)Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang ako'y marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin.
15 (O)Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot.
16 Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.
17 Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:
18 At inihayag ka ng (P)Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pagaari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;
19 At upang (Q)itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na (R)bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.
Awit ng Pagpapasalamat.
117 (A)Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
2 Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin;
At (B)ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.
118 Oh mangagpasalamat kayo (C)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (D)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (E)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (F)sa maluwag na dako.
6 (G)Ang Panginoon ay kakampi ko; (H)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 (I)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(J)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 (K)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (L)nangamatay na parang (M)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (N)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (O)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (P)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (Q)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (R)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (S)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(T)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (U)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (V)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (W)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (X)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (Y)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.
53 Sinong (A)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (B)bisig ng Panginoon?
2 (C)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (D)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (E)ng mga tao; isang (F)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (G)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang (H)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan (I)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (J)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (K)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 (L)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (M)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (N)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (O)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (P)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (Q)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (R)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (S)makikita niya ang kaniyang lahi, (T)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (U)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (V)aking matuwid na lingkod ang marami; at (W)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 (X)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (Y)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (Z)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AA)namagitan sa mga mananalangsang.
1 Ang aklat ng (A)lahi ni Jesucristo, na (B)anak ni David, na (C)anak ni Abraham.
2 Naging anak ni (D)Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid;
3 At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram;
4 At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon;
5 At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse.
6 At naging anak ni (E)Jesse ang (F)haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias;
7 At naging anak ni (G)Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa;
8 At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias;
9 At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias;
10 At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias;
11 At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng (H)pagkadalang-bihag sa Babilonia.
12 At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia, ay naging anak ni (I)Jeconias si Salatiel; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel;
13 At naging anak ni Zorobabel si Abiud; at naging anak ni Abiud si Eliaquim; at naging anak ni Eliaquim si Azor;
14 At naging anak ni Azor si Sadoc; at naging anak ni Sadoc si Aquim; at naging anak ni Aquim si Eliud;
15 At naging anak ni Eliud si Eleazar; at naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob;
16 At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.
17 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.
18 (J)Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan (K)ng Espiritu Santo.
19 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at (L)ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
20 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya (M)sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
21 At siya'y manganganak ng isang lalake; (N)at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; (O)sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan (P)sa kanilang mga kasalanan.
22 At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
23 Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao (Q)at manganganak ng isang lalake,
At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel;
na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
24 At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;
25 At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978