M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang utos ng Panginoon kay Josue.
1 Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na (A)tagapangasiwa ni Moises, na sinasabi,
2 (B)Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel.
3 (C)Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
4 (D)Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.
5 (E)Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: (F)kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako (G)sasa iyo: (H)hindi kita iiwan ni pababayaan kita.
6 (I)Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.
7 Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: (J)huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.
8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, (K)kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
9 (L)Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; (M)huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.
Naghanda si Josue sa pagtawid sa Jordan.
10 Nang magkagayo'y nagutos si Josue sa (N)mga pinunong bayan, na sinasabi,
11 Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't (O)sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.
12 At sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, ay nagsalita si Josue, na sinasabi,
13 Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, (P)na sinasabi, Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.
14 Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata (Q)sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;
15 Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, (R)at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.
16 At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami.
17 Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya (S)kay Moises.
18 Sinomang (T)manghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya, ay ipapapatay: magpakalakas ka lamang (U)at magpakatapang na mabuti.
Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.
120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (E)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 (F)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 (G)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (H)hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (I)lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan (J)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (K)iingatan ang iyong kaluluwa.
8 (L)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (M)sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (N)siksikan:
4 (O)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(P)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 (Q)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 (R)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(S)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(T)Hahanapin ko ang iyong buti.
Ang pagkakataas ng mga nagbabata.
61 Ang (A)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (B)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (C)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (D)maamo; kaniyang sinugo ako upang (E)magpagaling ng mga bagbag na puso, (F)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 (G)Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at (H)ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; (I)upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, (J)upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng (K)langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga (L)punong kahoy ng katuwiran, na (M)pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
4 (N)At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
5 At ang mga taga ibang lupa (O)ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.
6 (P)Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: (Q)kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.
7 Kahalili ng (R)inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
8 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, (S)aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
9 (T)At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.
10 Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya (U)ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, (V)gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
11 Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
9 (A)At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, (B)at dumating sa kaniyang sariling bayan.
2 At narito, dinala nila (C)sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at (D)nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.
3 At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong.
4 At (E)pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso?
5 Sapagka't alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at lumakad ka?
6 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay.
7 At nagtindig siya, at umuwi sa kaniyang bahay.
8 Datapuwa't nang makita ito ng karamihan, ay nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Dios, na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao.
9 (F)At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya.
10 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang (G)maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.
11 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga (H)maniningil ng buwis at mga makasalanan?
12 Datapuwa't nang ito'y marinig niya, ay kaniyang sinabi, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.
13 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, (I)Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
14 (J)Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo (K)ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?
15 At sinabi sa kanila ni Jesus, (L)Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.
16 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.
17 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok (M)ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.
18 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito (N)sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y (O)sinamba, na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay.
19 At si Jesus ay nagtindig, at sumama sa kaniya, pati ng kaniyang mga alagad.
20 At narito, isang babaing (P)inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang (Q)laylayan ng kaniyang damit:
21 Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.
22 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng (R)iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.
23 At (S)nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta, at ang mga taong nangagkakagulo,
24 Ay sinabi niya, Magparaan kayo: sapagka't hindi patay ang dalaga, kundi (T)natutulog. At tinawanan nila siya na nililibak.
25 Datapuwa't nang mapalabas na ang mga tao, ay pumasok siya, at tinangnan niya siya sa kamay; at nagbangon ang dalaga.
26 At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon.
27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, (U)Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.
29 Nang magkagayo'y (V)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (W)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.
30 At nangadilat ang kanilang mga mata. (X)At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, (Y)Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.
31 Datapuwa't sila'y nagsialis, at (Z)kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon.
32 At samantalang sila'y nagsisialis, (AA)narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na (AB)inaalihan ng demonio.
33 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito.
34 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, (AC)sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
35 At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, (AD)at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.
36 Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay (AE)nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na (AF)gaya ng mga tupa na walang pastor.
37 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (AG)Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.
38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978