Add parallel Print Page Options

Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (A)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.

Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa (B)Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng (C)ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.

Read full chapter

11 Ang iyo namang mga (A)pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, (B)at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.

Read full chapter

16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa (A)mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na (B)akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, (C)Makapangyarihan ng Jacob.

Read full chapter