M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang bilin sa pagtawid sa Jordan.
3 At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa (A)Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.
2 At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga (B)pinuno ay napasa gitna ng kampamento;
3 (C)At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, (D)at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.
4 (E)Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.
5 At sinabi ni Josue sa bayan, (F)Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.
6 At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, (G)Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.
7 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, (H)na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.
8 At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.
9 At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.
10 At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buháy na (I)Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang (J)Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.
11 Narito, ang kaban ng tipan ng (K)Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.
12 Ngayon nga ay kumuha kayo ng (L)labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake (M)sa bawa't lipi.
13 At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at (N)magiisang bunton.
Ang bayan ay tumawid sa Jordan.
14 At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng (O)kaban ng tipan;
15 At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng (P)Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong (Q)panahon ng pagaani,)
16 Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng (R)Sarethan: at yaong nagsisibaba sa (S)dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: (T)at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.
17 At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan (U)ang buong bansa.
Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa
126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 (B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 (D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(E)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(F)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 (G)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (H)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (I)pintuang-bayan.
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
128 Mapalad ang (J)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 (K)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging (L)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (M)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 (N)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong (O)makikita ang mga (P)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.
63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (A)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 Bakit ka mapula sa (B)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (C)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 Sapagka't ang kaarawan (D)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (E)aking mga tinubos ay dumating.
5 At ako'y lumingap, at (F)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (G)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
6 At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.
Ang kagandahang-loob ng Panginoon noong una ay inalaala.
7 Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
8 Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila.
9 (H)Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila (I)ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya (J)sila; at kaniyang kinilik (K)sila at kinalong silang lahat noong araw.
10 (L)Nguni't sila'y nanganghimagsik, (M)at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
11 (N)Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon (O)sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?
12 Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? (P)na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13 Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod?
14 Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.
15 Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, (Q)mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? (R)ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin.
16 Sapagka't ikaw (S)ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
17 Oh Panginoon; bakit mo (T)kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at (U)pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? (V)Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.
18 Inaring sangdali lamang (W)ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario.
19 Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.
11 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.
2 (A)Nang marinig nga ni Juan (B)sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,
3 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga (C)yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
4 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:
5 Ang mga bulag ay nangakakakita, (D)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (E)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
6 At mapalad ang sinomang hindi (F)makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.
7 At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan (G)sa ilang? (H)isang tambo na inuuga ng hangin?
8 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.
9 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, (I)at lalo pang higit kay sa isang propeta.
10 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat,
(J)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.
11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.
12 At mula sa (K)mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.
13 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.
14 At kung ibig ninyong tanggapin, ay (L)siya'y si Elias na paririto.
15 Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay (M)makinig.
16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.
17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.
18 Sapagka't naparito si Juan na (N)hindi kumakain o umiinom (O)man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.
19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang (P)kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! (Q)At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
20 Nang magkagayo'y (R)kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi.
21 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, (S)Bethsaida! sapagka't kung sa (T)Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo.
22 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan (U)ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo.
23 At ikaw, Capernaum, (V)magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.
24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo.
25 Nang panahong yaon ay (W)sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito (X)sa mga pantas at matatalino, at (Y)ipinahayag mo sa mga sanggol:
26 Oo nga, Ama, sapagka't gayon ang nakalugod sa iyong paningin.
27 (Z)Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, (AA)kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: (AB)at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
30 Sapagka't (AC)malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978