M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang Gabaon ay sinalakay ng limang kaharian.
10 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa (A)sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa (B)Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga (C)taga Gabaon, at nangasa gitna nila;
2 Ay (D)natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.
3 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa (E)Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa (F)Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
4 Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
5 Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.
6 At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue (G)sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.
7 Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
8 At sinabi ng Panginoon kay Josue, (H)Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; (I)walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
9 Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.
10 At (J)nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa (K)Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa (L)Azeca, at sa (M)Maceda.
11 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng (N)Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel,
(O)Araw, tumigil ka sa Gabaon;
At ikaw, Buwan, sa libis ng
(P)Ajalon.
13 At ang araw ay tumigil, at ang
buwan ay huminto,
Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway.
(Q)Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
14 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban (R)ng Panginoon ang Israel.
15 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
Ang limang hari ay natutop at pinatay.
16 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa (S)Maceda.
17 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
18 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
19 Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
20 At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, (T)hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,
21 Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang (U)maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.
23 At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.
24 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.
25 At sinabi ni Josue sa kanila, (V)Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: (W)sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.
26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y (X)nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga (Y)malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
Ang iba pang tagumpay ni Josue.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang (Z)gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang (AA)sa Libna, at lumaban sa Libna:
30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
31 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
32 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
33 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa (AB)Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
34 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
35 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
36 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
37 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
38 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa (AC)Debir; at nakipaglaban doon:
39 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga (AD)tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng (AE)Panginoon ng Dios ng Israel.
41 At sinaktan sila ni Josue mula sa (AF)Cades-barnea hanggang sa (AG)Gaza, at (AH)ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
42 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
43 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (L)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (M)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (N)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (O)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (P)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (Q)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(R)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (S)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(T)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (U)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(V)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (W)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (X)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (Y)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (Z)ako'y iyong lingkod.
Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.
4 Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay (A)manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; (B)hindi ka nga makikilos;
2 At ikaw ay susumpa, Buháy ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay (C)magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.
Ang Juda ay nanganganib na salakayin.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (D)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (E)maghasik sa gitna ng mga tinik.
4 Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (F)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
5 Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (G)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (H)mga bayang nakukutaan.
6 Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (I)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.
7 Ang isang leon ay (J)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (K)walang mananahan.
8 Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.
9 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.
10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: (L)tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.
11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, (M)Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:
12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.
13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.
14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?
15 Sapagka't isang (N)tinig ay nagpapahayag (O)mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.
16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.
17 Sila'y gaya ng mga bantay (P)sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito (Q)sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.
Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.
19 Ang hirap ko, ang hirap (R)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (S)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.
20 Kagibaan (T)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (U)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.
21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (V)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.
23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, (W)sira at walang laman; at ang langit ay (X)walang liwanag.
24 Aking minasdan ang mga bundok, (Y)at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.
25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at (Z)lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.
26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.
27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; (AA)gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.
28 Dahil dito (AB)ay tatangis ang lupa, at (AC)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (AD)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.
29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.
30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (AE)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (AF)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (AG)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.
31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa (AH)babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.
18 Nang oras na (A)yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?
2 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,
3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang (B)kayo'y magsipanumbalik, at (C)maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
4 Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5 At (D)sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:
6 Datapuwa't (E)sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.
7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!
8 At (F)kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod (G)sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.
9 At kung ang mata mo ang makapagpapatisod (H)sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (I)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (J)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (K)mukha ng aking Ama na nasa langit.[a](L)(M)
12 Ano ang akala ninyo? (N)kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?
13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.
14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.
15 At (O)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (P)nagwagi ka sa iyong kapatid.
16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang (Q)sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.
17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa (R)iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay (S)ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at (T)maniningil ng buwis.
18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na (U)ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin (V)sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, (W)makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? (X)hanggang sa makapito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; (Y)kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.
23 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.
24 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.
25 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos (Z)ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't (AA)mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.
26 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.
27 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.
28 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang (AB)denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.
29 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.
30 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.
31 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.
32 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:
33 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?
34 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.
35 Gayon din naman ang gagawin (AC)sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978