Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 13

Ang pagpapahirap ng Filisteo.

13 At ang mga anak ni Israel ay (A)gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa (B)kamay ng mga Filisteo.

At may isang lalake sa (C)Sora sa angkan ng mga Danita, na ang pangala'y Manoa; at ang kaniyang asawa ay (D)baog, at hindi nagkaanak.

At napakita ang (E)anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.

Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at (F)huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:

Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na (G)daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang (H)pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.

Nang magkagayo'y ang babae'y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa, na sinasabi, Isang (I)lalake ng Dios ay naparito sa akin, at ang kaniyang anyo ay gaya ng (J)anyo ng anghel ng Dios, na kakilakilabot: at hindi ko natanong (K)siya kung siya'y taga saan, ni kaya'y sinaysay niya sa akin ang (L)kaniyang pangalan:

Nguni't sinabi niya sa akin, (M)Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

Ang pangitain ni Manoa at ng kaniyang asawa.

Nang magkagayo'y nanalangin si Manoa sa Panginoon, at sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak.

At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya'y nakaupo sa bukid: nguni't si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama.

10 At nagmadali ang babae, at tumakbo, at isinaysay sa kaniyang asawa, at sinabi sa kaniya, Narito, ang lalake ay napakita sa akin, yaong naparito sa akin ng ibang araw.

11 At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga.

12 At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya?

13 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya.

14 Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni (N)uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.

15 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo (O)na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.

16 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

17 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, (P)Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?

18 At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, (Q)Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?

19 Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, (R)at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.

20 Sapagka't nangyari, nang (S)umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y (T)nangapasubasob sa lupa.

Si Samson ay ipinanganak.

21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. (U)Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, (V)Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.

23 Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang (W)handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito.

24 At nanganak ang babae ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na (X)Samson. At ang bata'y (Y)lumaki, at pinagpala ng Panginoon.

25 At pinasimulang kinilos siya ng (Z)Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa (AA)pagitan ng Sora at Esthaol.

Mga Gawa 17

17 Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia, ay nagsirating sila sa (A)Tesalonica, na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio.

At si Pablo, ayon sa ugali niya (B)ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila (C)sa mga kasulatan,

Na binubuksan at pinatunayan (D)na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo.

At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga (E)Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal.

Datapuwa't ang mga Judio, palibhasa'y nangaudyokan ng inggit, ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan, at pagkatipon ng isang karamihan, ay ginulo ang bayan; at pagkalusob sa bahay ni Jason, ay pinagsikapan nilang sila'y iharap sa mga tao.

At nang hindi sila mangasumpungan, ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang (F)kapatid sa harap ng mga punong bayan, na ipinagsisigawan, (G)Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman;

Na tinanggap sila ni Jason: at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar, na nagsasabing may ibang hari, si Jesus.

At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan, nang kanilang marinig ang mga bagay na ito.

At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba, ay kanilang pinawalan sila.

10 At pagdaka'y (H)pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio.

11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.

12 Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega (I)na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake, ay hindi kakaunti.

13 Datapuwa't nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios, ay nagsiparoon din naman, na ginulo at binagabag ang mga karamihan.

14 At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon (J)ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si (K)Timoteo.

15 Datapuwa't silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay (L)dinala siya hanggang sa Atenas: at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya, ay nagsialis sila.

16 Samantala ngang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan.

17 Kaya't (M)sa sinagoga'y nakipagmatuwiran siya sa (N)mga Judio at sa mga taong (O)masisipag sa kabanalan, at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya.

18 At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At sinabi ng ilan, Anong ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba, Parang siya'y tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang (P)pagkabuhay na maguli.

19 At siya'y tinangnan nila, at dinala siya sa Areopago, na sinasabi, Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral, na sinasalita mo?

20 Sapagka't naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga: ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.

21 (Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa, kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago.)

22 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi,

Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso.

23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.

24 (Q)Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, (R)ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;

25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, (S)na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng (T)buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

26 At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at (U)ang mga hangganan ng kanilang tahanan;

27 Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman (V)hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin:

28 Sapagka't (W)sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: (X)na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula,

Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi.

29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

30 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng (Y)Dios; datapuwa't ngayo'y (Z)ipinag-uutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:

31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang (AA)ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, (AB)nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

32 At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.

33 Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila.

34 Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na (AC)Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila.

Jeremias 26

Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.

26 Nang (A)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (C)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.

Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (D)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.

At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (E)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,

Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (F)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;

Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (G)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (H)sumpa (I)sa lahat ng mga bansa sa lupa.

At narinig (J)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.

Ang lalang laban kay Jeremias.

At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.

Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (K)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.

10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong (L)pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.

11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; (M)sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.

12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.

13 Kaya't (N)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.

14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.

15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.

Ang lalang ay nawalang bisa.

16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.

17 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa (O)mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi,

18 Si Miqueas na Morastita ay (P)nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat.

19 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? (Q)hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa.

20 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:

21 (R)At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:

22 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa (S)Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto:

23 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; (T)na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.

24 Nguni't ang kamay (U)ni Ahicam na anak (V)ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.

Marcos 12

12 At nagpasimulang (A)pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan.

At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala.

At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi.

At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay.

Mayroon pa siyang isa, (B)isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.

Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana.

At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan.

Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba.

10 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito:

(C)Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
11 Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

12 At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; (D)sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis.

13 At kanilang (E)sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita.

14 At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?

15 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, (F)Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.

16 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.

17 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya.

18 At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi,

19 Guro, isinulat sa amin ni Moises, (G)Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid.

20 May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak;

21 At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo:

22 At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae.

23 Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.

24 Sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan, na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios?

25 Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit.

26 Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol (H)sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, (I)Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob?

27 Hindi siya ang Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: kayo'y nangagkakamaling lubha.

28 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?

29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, (J)Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:

30 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.

31 Ang pangalawa ay ito, (K)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.

32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; (L)at wala nang iba liban sa kaniya:

33 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, (M)ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.

34 At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. (N)At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.

35 (O)At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?

36 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,

(P)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.

37 Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.

38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, (Q)Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at (R)pagpugayan sa mga pamilihan.

39 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:

40 Silang nangananakmal (S)ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

41 At (T)umupo siya sa tapat ng (U)kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang (V)salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.

42 At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles.

43 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman:

44 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978