M’Cheyne Bible Reading Plan
Pinatay ni Abimelech ang mga anak ni Gedeon.
9 At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem, sa mga (A)kapatid ng kaniyang ina, at nagsalita sa kanila, at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina, na nagsasabi,
2 Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem, Kung ano ang magaling sa inyo, na lahat na anak ni Jerobaal na (B)pitong pung lalake ay magpuno sa inyo, o isa ang magpuno sa inyo? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong (C)buto at inyong laman.
3 At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya, sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y (D)ating kapatid.
4 At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak, mula sa bahay ng (E)Baal-berith, na siyang (F)iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy, na siyang mga sumunod sa kaniya.
5 At siya'y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa (G)Ophra, at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal, na pitong pung katao, sa ibabaw ng isang bato: nguni't si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi; sapagka't siya'y nagtago.
6 At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong (H)sangbahayan ni Millo, at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem.
Ang talinhaga ni Jotham.
7 At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng (I)bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios.
8 (J)Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, (K)Maghari ka sa amin.
9 Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, (L)Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, (M)at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
10 At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin.
11 Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
12 At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin.
13 At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, (N)Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
14 Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin.
15 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking (O)lilim: at kung hindi ay labasan ng (P)apoy ang dawag at pugnawin ang mga (Q)sedro ng Libano.
16 Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng (R)ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay;
17 (Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian:
18 (S)At kayo'y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito, at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak, na pitong pung lalake, sa ibabaw ng isang bato, at ginawa ninyong hari si Abimelech, na (T)anak ng kaniyang aliping babae, sa mga lalake sa Sichem, (U)sapagka't siya'y inyong kapatid;)
19 Kung tapat nga at matuwid na kayo'y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito, (V)magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo:
20 Nguni't kung hindi ay labasan ng (W)apoy si Abimelech, at pugnawin ang mga lalake sa (X)Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at pugnawin si Abimelech.
21 At si Jotham ay tumakbong umalis, at tumakas, at napasa Beer, at tumahan doon, dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid.
22 At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon.
23 (Y)At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay (Z)naglilo kay Abimelech.
24 (AA)Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid.
25 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.
Pagtatangkang pagsalangsang ni Gaal kay Abimelech.
26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya.
27 At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, (AB)at nagpapista, at (AC)napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech.
28 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, (AD)Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni (AE)Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya?
29 (AF)At kahi manawari ang bayang ito'y mapasa ilalim ng aking kamay. Kung magkagayo'y aking hahalinhan si Abimelech. At kaniyang sinabi kay Abimelech, Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka.
30 At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed, ay nagalab ang kaniyang galit.
31 At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo.
32 Ngayon nga'y bumangon ka sa gabi, ikaw at ang bayan na kasama mo, at bakayan mo sa bukid:
33 At mangyayari, na sa kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay babangon kang maaga, at isasalakay mo ang bayan: at, narito, pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay (AG)magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo.
Nanagumpay si Abimelech laban kay Gaal.
34 At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong.
35 At lumabas si Gaal na anak ni Ebed, at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya.
36 At nang makita ni Gaal ang bayan, ay kaniyang sinabi kay Zebul, Narito, bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok. At sinabi ni Zebul sa kaniya, Iyong nakikita'y mga (AH)lilim ng mga bundukin, na parang mga lalake.
37 At nagsalita uli si Gaal, at nagsabi, Tignan mo, bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain, at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim.
38 Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, (AI)Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila.
39 At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech.
40 At hinabol ni Abimelech siya, at siya'y tumakas sa harap niya, at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan.
41 At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem.
42 At nangyari nang kinaumagahan, na ang baya'y lumabas sa parang; at kanilang isinaysay kay Abimelech.
43 At kaniyang kinuha ang bayan, at binahagi niya ng tatlong pulutong, at bumakay sa parang; at siya'y tumingin, at narito, ang bayan ay lumabas sa kabayanan; at siya'y bumangon laban sa kanila, at sila'y sinaktan niya.
44 At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan: at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid, at sila'y sinaktan nila.
45 At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon; at sinakop ang bayan, at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon: at iginiba ang (AJ)kabayanan at hinasikan ng asin.
Binihag ang Sichem at ang Thebes.
46 At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa (AK)moog ng Sichem, ay pumasok sila sa (AL)kuta ng bahay ng (AM)El-berith.
47 At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan.
48 At umahon si Abimelech sa bundok ng (AN)Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa.
49 At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa't lalake ng kanikaniyang sanga, at sumunod kay Abimelech, at ipinaglalagay sa kuta, at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon; na ano pa't ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin, na may isang libong lalake at babae.
50 Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop.
51 Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at (AO)sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
52 At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
53 (AP)At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na (AQ)bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.
54 Nang magkagayo'y (AR)tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.
55 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.
56 (AS)Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid:
57 At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang (AT)sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.
13 Sa iglesia nga na nasa (A)Antioquia ay may mga propeta at mga (B)guro, (C)si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si (D)Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni (E)Herodes na tetrarka, at si (F)Saulo.
2 At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at (G)nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing (H)itinawag ko sa kanila.
3 Nang magkagayon, (I)nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
4 Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa (J)Chipre.
5 At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (K)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (L)si Juan.
6 At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (M)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;
7 Na kasama ng (N)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.
8 Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.
9 Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na (O)puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,
10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (P)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
11 At ngayon, narito, nasa iyo (Q)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (R)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.
12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.
13 Nagsitulak nga sa (S)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (T)sa Jerusalem.
14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (U)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.
15 At pagkatapos ng pagbasa ng (V)kautusan at ng (W)mga propeta, (X)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (Y)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.
16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (Z)ikinikiya na nagsabi,
Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.
17 (AA)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (AB)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (AC)sila roon.
18 At nang panahong halos (AD)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.
19 At (AE)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (AF)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:
20 At (AG)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
21 At pagkatapos ay (AH)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (AI)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (AJ)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.
22 At nang siya'y alisin niya, ay (AK)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (AL)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (AM)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.
23 (AN)Sa binhi ng taong ito, (AO)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (AP)Tagapagligtas, na si Jesus;
24 Noong unang ipangaral ni (AQ)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.
25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (AR)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.
26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (AS)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.
27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (AT)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (AU)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (AV)ang hatol sa kaniya.
28 At bagaman (AW)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.
29 At (AX)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (AY)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.
30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (AZ)Dios sa mga patay:
31 At (BA)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (BB)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.
32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (BC)pangakong ipinangako sa mga magulang,
33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (BD)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.
34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (BE)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.
35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (BF)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.
38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (BG)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (BH)ang kapatawaran ng mga kasalanan:
39 At sa (BI)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (BJ)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.
40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:
41 Tingnan ninyo, (BK)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.
42 At pagalis nila, (BL)ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.
43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (BM)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.
44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.
45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay (BN)nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.
46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (BO)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (BP)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (BQ)kami ay pasasa mga Gentil.
47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi,
(BR)Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil,
Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang (BS)lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.
49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.
50 Datapuwa't inudyukan (BT)ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang (BU)mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.
51 Datapuwa't (BV)ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa (BW)Iconio.
52 At ang mga alagad ay (BX)nangapuspos ng kagalakan at (BY)ng Espiritu Santo.
Ang Juda ay binabalaan tungkol sa paghatol ng hindi matuwid.
22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Bumaba ka sa bahay ng hari sa Juda, at iyong salitain doon ang salitang ito,
2 At iyong sabihin, (A)Dinggin mo ang salita ng Panginoon, Oh hari sa Juda, na nauupo sa luklukan ni David, ikaw at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan na pumapasok sa mga pintuang ito.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Mangagsagawa kayo ng kahatulan at ng katuwiran, at iligtas ninyo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati: at huwag kayong magsigawa ng kamalian, huwag kayong magsigawa ng pangdadahas (C)sa mga nakikipamayan, sa ulila, o sa babaing bao man; o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito.
4 Sapagka't kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito, magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito (D)ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David, na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang bayan.
5 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, (E)ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan.
7 At ako'y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo, bawa't isa'y may kaniyang mga almas; at kanilang puputulin ang (F)iyong mga piling cedro, at ipaghahagis sa apoy.
8 At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, (G)Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito?
9 (H)Kung magkagayo'y magsisisagot sila, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios, at nagsisamba sa ibang mga dios, at mga pinaglingkuran.
Ang kalungkot-lungkot na katapusan ni Sallum.
10 Huwag ninyong iyakan (I)ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't (J)hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan.
11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (K)Sallum na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, (L)na lumabas sa dakong ito. Siya'y hindi na babalik pa rito:
12 Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.
Ang katapusan ni Joacim.
13 (M)Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na (N)pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa (O)na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran;
14 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula.
15 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? (P)hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya.
16 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. (Q)Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon.
17 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.
18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay (R)Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, (S)Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, (T)Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian!
19 Siya'y malilibing ng libing asno, na (U)hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem.
20 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula (V)sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol.
21 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan; nguni't iyong sinabi, Hindi ko didinggin. Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan, na hindi mo dininig ang aking tinig.
22 Lahat (W)mong pastor ay pakakanin ng hangin, at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan.
23 Oh nananahan sa Libano, na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro, kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo, ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam!
Ang katapusan ni Conias.
24 (X)Buhay ako, sabi ng Panginoon, bagaman si (Y)Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda (Z)ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay, akin ngang huhugutin ka mula roon;
25 At aking ibibigay ka (AA)sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay, at sa kamay nila na iyong kinatatakutan, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo.
26 At itataboy ka, at ang iyong ina na nanganak sa iyo, sa ibang lupain, na hindi pinapanganakan sa inyo; at doon kayo mangamamatay.
27 Nguni't sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan, doon hindi sila mababalik.
28 Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? (AB)siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala?
29 Oh lupa, (AC)lupa, lupa, iyong pakinggan ang salita ng Panginoon.
30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isulat ninyo (AD)ang lalaking ito na walang anak, ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan; sapagka't walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa, na (AE)nauupo sa luklukan ni David, hindi na magpupuno pa sa Juda.
8 Nang mga araw na yaon, (A)nang magkaroong muli ng maraming tao, at wala silang mangakain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila,
2 (B)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nangatira sa akin, at walang mangakain:
3 At kung sila'y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan, ay magsisipanglupaypay sila sa daan; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila.
4 At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako?
5 At kaniyang tinanong sila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito.
6 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; at kinuha niya ang pitong tinapay, at pagkapagpasalamat, ay pinagputolputol niya, at ibinigay sa kaniyang mga alagad, upang ihain sa kanila; at inihain nila sa karamihan.
7 At mayroon silang ilang maliliit na isda: at nang mapagpala ang mga ito, ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila.
8 At sila'y nagsikain, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
9 At sila'y may mga apat na libo: at pinayaon niya sila.
10 At (C)pagdaka'y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad, at napasa mga sakop ng Dalmanuta.
11 At nagsilabas ang mga Fariseo, at nangagpasimulang makipagtalo sa kaniya, na hinahanapan siya ng isang tandang mula sa langit, na tinutukso siya.
12 At (D)nagbuntong-hininga siya ng malalim sa kaniyang espiritu, at nagsabi, Bakit humahanap ng tanda ang lahing ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang tandang ibibigay sa lahing ito.
13 At sila'y iniwan niya, at muling pagkalulan sa daong ay tumawid sa kabilang ibayo.
14 At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay; at wala sila kundi isang tinapay sa daong.
15 At ipinagbilin niya sa kanila, na nagsabi, Tingnan ninyo, mangag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni (E)Herodes.
16 At nangagkatuwiranan sila-sila rin, na nangagsasabi, Wala tayong tinapay.
17 At pagkahalata nito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit nangagbubulaybulay kayo, sapagka't wala kayong tinapay? (F)hindi pa baga ninyo napaghahalata, ni napaguunawa man? nangagmatigas na baga ang inyong puso?
18 Mayroon kayong mga mata, hindi baga kayo nangakakakita? at mayroon kayong mga tainga, hindi baga kayo nangakakarinig? at hindi baga ninyo nangaaalaala?
19 Nang aking pagputolputulin (G)ang limang tinapay sa limang libong lalake, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang inyong binuhat? Sinabi nila sa kaniya, Labingdalawa.
20 At (H)nang pagputolputulin ang pitong tinapay sa apat na libo, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang binuhat ninyo? At sinabi nila sa kaniya, Pito.
21 At sinabi niya sa kanila, Hindi pa baga ninyo napaguunawa?
22 At nagsidating sila sa Betsaida. At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking bulag, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y hipuin.
23 At hinawakan niya sa kamay ang lalaking bulag, at dinala niya sa labas ng nayon; (I)at nang maluraan ang kaniyang mga mata, at maipatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, ay kaniyang tinanong siya, Nakakakita ka baga ng anoman?
24 At siya'y tumingala, at nagsabi, Nakakakita ako ng mga tao; sapagka't namamasdan ko silang tulad sa mga punong kahoy, na nagsisilakad.
25 Saka ipinatong na muli sa kaniyang mga mata ang mga kamay niya; at siya'y tumitig, at gumaling, at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay.
26 At pinauwi niya siya sa kaniyang tahanan, na sinasabi, Huwag kang pumasok kahit sa nayon.
27 At (J)pumaroon si Jesus, at ang kaniyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo: at sa daan ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinabi sa kanila, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako?
28 At sinaysay nila sa kaniya, na sinasabi, Si Juan Bautista; at ang mga iba, si Elias; datapuwa't ang mga iba, Isa sa mga propeta.
29 At tinanong niya sila, Datapuwa't ano ang sabi ninyo kung sino ako? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya, Ikaw ang Cristo.
30 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag (K)sabihin kanino man ang tungkol sa kaniya.
31 At (L)siya'y nagpasimulang magturo sa kanila, na ang Anak ng tao ay kinakailangang magbata na maraming mga bagay, at itakuwil ng matatanda, at ng mga pangulong saserdote, at ng mga eskriba, at patayin, at pagkaraan ng tatlong araw ay muling magbangon.
32 At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito. At isinama siya ni Pedro, at pinasimulang siya'y pagwikaan.
33 Datapuwa't paglingap niya sa palibot, at pagtingin sa kaniyang mga alagad, ay pinagwikaan si Pedro, at sinabi, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas; sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.
34 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, (M)Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
35 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon.
36 Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?
37 Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
38 Sapagka't ang (N)sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na (O)kasama ng mga banal na anghel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978