Add parallel Print Page Options

18 Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton:

19 Na nagsasabi, (A)Magmaliksi siya, madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita: at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman!

20 Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait!

21 Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, (B)at mabait sa kanilang sariling paningin!

22 Sa aba nila na malakas (C)uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin:

23 Na (D)nagsisiaring ganap sa masama (E)dahil sa suhol, at inaalis ang katuwiran sa matuwid!

Read full chapter