M’Cheyne Bible Reading Plan
Nawalan ng loob ang mga Cananeo.
5 At nangyari, nang (A)mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo, (B)na nangasa tabi ng dagat, kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel, hanggang sa kami ay nangakatawid, na nanglumo ang kanilang puso, (C)at sila'y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel.
2 Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue, Gumawa ka ng mga (D)sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel.
3 At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama.
4 At ito ang dahil na itinuli ni Josue: (E)ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto, na mga lalake, lahat na lalaking pangdigma, ay namatay sa ilang sa daan, pagkatapos na sila'y makalabas na mula sa Egipto.
5 Sapagka't ang buong bayan na lumabas ay mga tuli; nguni't ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto, ay hindi tuli.
6 Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na (F)apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: (G)na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na (H)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
7 At (I)ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan.
8 At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento (J)hanggang sa sila'y magsigaling.
9 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang (K)pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
Ang paskua ay ipinagdiwang. Ang mana ay naglikat.
10 At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua (L)nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico.
11 At sila'y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na (M)trigo, sa araw ding yaon.
12 At ang (N)mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon.
Ang pangitain ni Josue.
13 At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang (O)isang lalake sa tapat niya na may kaniyang (P)tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway?
14 At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang (Q)prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay (R)nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?
15 At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, (S)Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue.
Ang Jerico ay kinubkob at iginiba.
6 Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok.
2 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, (T)aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang.
3 At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw.
4 At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong (U)pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga (V)saserdote ay hihipan ang mga pakakak.
5 At mangyayari, na pagka (W)hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.
Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.
132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
2 Kung paanong (A)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (B)Makapangyarihan ni Jacob:
3 Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
4 (C)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
5 (D)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
6 Narito, (E)narinig namin (F)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
7 Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
8 (G)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
9 (H)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(J)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (K)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (L)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (M)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (N)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.
Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (O)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2 Parang (P)mahalagang langis (Q)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3 Gaya ng hamog sa (R)Hermon,
Na tumutulo sa mga (S)bundok ng Sion:
Sapagka't (T)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.
134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(U)Ninyong (V)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2 (W)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
3 (X)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.
Ang parusa na ibinabala sa mga masuwayin.
65 Ako'y (A)napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa (B)bansa na hindi tinawag sa aking pangalan.
2 (C)Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip;
3 Bayan (D)na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, (E)na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan (F)sa ibabaw ng mga laryo;
4 Na nauupo (G)sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; (H)na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;
5 Na nagsasabi, (I)Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
6 Narito, (J)nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, (K)kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti (L)sa kanilang sinapupunan,
7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at (M)ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, (N)na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin (O)sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, (P)sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.
9 At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking (Q)pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod.
10 At ang Saron ay (R)magiging kulungan ng mga kawan, at (S)ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.
11 Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng (T)aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang (U)para sa Kapalaran, at pinupuno (V)ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan;
12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; (W)sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;
14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal (X)dahil sa pagkabagbag ng loob.
15 At inyong iiwan ang inyong pangalan na (Y)pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:
16 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17 Sapagka't narito, ako'y (Z)lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (AA)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 (AB)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (AC)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (AD)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (AE)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't (AF)kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, (AG)o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't (AH)sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari, (AI)na bago sila magsitawag, sasagot ako; (AJ)at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25 Ang lobo at ang kordero (AK)ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at (AL)alabok ang magiging pagkain ng ahas. (AM)Sila'y hindi (AN)mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
13 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at (A)naupo sa tabi ng dagat.
2 At nakisama (B)sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.
3 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.
4 At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;
5 At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:
6 At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
7 At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.
8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y (C)tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.
9 At ang may mga (D)pakinig, ay makinig.
10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?
11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (E)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.
12 Sapagka't sinomang (F)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
(G)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.
16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.
17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (H)na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.
18 Pakinggan (I)nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.
19 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita (J)ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.
20 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at (K)pagdaka'y (L)tinatanggap ito ng buong galak;
21 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay (M)pagdaka'y (N)natitisod siya.
22 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at (O)ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.
23 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.
24 Sinaysay niya sa kanila ang ibang (P)talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:
25 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.
26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.
27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?
28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?
29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.
30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.
31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, (Q)Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang (R)butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:
32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.
33 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: (S)Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.
34 Lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa mga karamihan (T)sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap:
35 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
(U)Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga;
Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.
36 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa (V)bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang (W)talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid.
37 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao;
38 At (X)ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito (Y)ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay (Z)ang mga anak ng masama;
39 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: (AA)at ang pagaani ay ang (AB)katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.
40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.
41 Susuguin (AC)ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,
42 At sila'y igagatong sa kalan (AD)ng apoy: (AE)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa (AF)kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.
44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (AG)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (AH)binili ang bukid na yaon.
45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:
46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.
47 (AI)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (AJ)nakahuli ng sarisaring isda:
48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.
49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (AK)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,
50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.
52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (AL)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.
53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.
54 (AM)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (AN)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (AO)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?
55 (AP)Hindi baga ito ang anak ng (AQ)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (AR)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (AS)kaniyang mga kapatid?
56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?
57 At siya'y (AT)kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, (AU)Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
58 At siya'y (AV)hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa (AW)dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978