Add parallel Print Page Options

At napakita ang (A)anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.

Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at (B)huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:

Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na (C)daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang (D)pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.

Read full chapter