Add parallel Print Page Options

20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (A)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (B)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.

21 Binabati kayo ni Timoteo na (C)aking kamanggagawa; at ni (D)Lucio at ni (E)Jason at ni (F)Sosipatro, na aking mga kamaganak.

22 Akong si Tercio, (G)na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.

23 Binabati kayo ni (H)Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni (I)Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.

24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.

Read full chapter