Add parallel Print Page Options

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At (A)ako'y, narito, aking ibinigay sa (B)iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.

Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: (C)bawa't alay nila, (D)bawa't handog na harina nila, (E)at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.

Read full chapter