Add parallel Print Page Options

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula (A)ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at (B)ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.

15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y (C)nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: (D)Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.

Read full chapter

At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan (A)siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula.

Read full chapter