Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 2

Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.

Bakit ang mga bansa ay (A)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (B)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
(C)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay (D)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (E)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (F)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
(G)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (H)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (I)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (J)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(K)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

1 Mga Hari 21:20-29

20 At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't (A)ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.

21 Narito, aking dadalhan ng kasamaan ka, at (B)aking lubos na papalisin ka, at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't anak na lalake, at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel.

22 At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni (C)Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni (D)Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at (E)iyong pinapagkasala ang Israel.

23 (F)At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon, na nagsabi, Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel.

24 (G)Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid.

25 (Nguni't (H)walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa.

26 At siya'y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan, ayon sa lahat na (I)ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.)

27 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang (J)kaniyang mga damit, at (K)nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at (L)nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan.

28 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi,

29 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: (M)kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.

Marcos 9:9-13

(A)At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.

10 At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay.

11 At tinanong nila siya, na sinasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?

12 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong (B)nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga?

13 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978