Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 (B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 (C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
8 (H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
4 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (A)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (B)pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Ang katuwiran ko ay (C)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (D)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (E)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
6 (F)Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't (G)ang mga langit ay mapapawing parang usok, at (H)ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
7 Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; (I)huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
8 Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na (J)parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
7 Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay (A)pumasok siya sa Capernaum.
2 At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay.
3 At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin.
4 At nang magsidating sila kay Jesus, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito;
5 Sapagka't iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga.
6 At si Jesus ay sumama sa kanila. At nang siya'y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagka't di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan:
7 Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin.
8 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.
9 At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng (B)ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.
10 At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978