Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (A)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (B)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (C)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (D)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (E)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (F)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (G)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (H)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, (A)Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y (B)may mapulang pisngi, (C)may magandang bikas, at mabuting anyo. (D)At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.
13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (E)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
1 Si Pablo at si (A)Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal (B)kay Cristo Jesus na nangasa (C)Filipos, pati ng mga (D)obispo at ng mga (E)diakono:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 (F)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,
4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,
5 Dahil sa inyong pakikisama (G)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;
6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (H)hanggang sa araw ni Jesucristo:
7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (I)sa aking mga tanikala at (J)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.
8 Sapagka't saksi ko ang Dios, (K)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (L)mahinahong habag ni Cristo Jesus.
9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (M)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;
10 Upang (N)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (O)hanggang sa kaarawan ni Cristo;
11 Na mangapuspos ng (P)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (Q)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978