Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 81

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.

81 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
(A)Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
Magsihihip kayo ng (B)pakakak (C)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
Kaniyang inilagay na pinakapatotoo (D)sa Jose,
(E)Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
(F)Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
(G)Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
Ikaw ay tumawag (H)sa kabagabagan, at iniligtas kita;
(I)Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
(J)Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
(K)Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 (L)Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
(M)Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At (N)hindi ako sinunod ng Israel.
12 (O)Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 (P)Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 (Q)Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
(R)At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.

Jeremias 2:4-13

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at (B)ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak (C)ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga (D)pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga (E)propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Kaya't (F)ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

10 (G)Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng (H)Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa (I)Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

11 (J)Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na (K)hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; (L)kanilang iniwan ako na (M)bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

Juan 7:14-31

14 Datapuwa't nang ang kapistahan nga'y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo.

15 Nagsipanggilalas nga (A)ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man?

16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, (B)Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.

17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.

18 Ang nagsasalita (C)ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

19 Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y (D)wala sa inyong gumaganap ng kautusan? (E)Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin?

20 Sumagot ang karamihan, Mayroon kang (F)demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin?

21 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon.

22 Ibinigay sa inyo ni (G)Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, (H)kundi sa mga magulang); (I)at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake.

23 Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao (J)sa sabbath?

24 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.

25 Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem, Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin?

26 At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. (K)Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo?

27 Gayon man ay (L)nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam (M)kung taga saan siya.

28 Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; (N)at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin (O)ay tunay, (P)na hindi ninyo nakikilala.

29 Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin.

30 (Q)Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: (R)at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi (S)pa dumarating ang kaniyang oras.

31 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?

Juan 7:37-39

37 Nang huling araw nga, na (A)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (B)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.

38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, (C)ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

39 Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa (D)Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: (E)sapagka't hindi pa (F) ipinagkakaloob ang Espiritu; (G)sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978