Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.
146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 (C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 (D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 (E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
17 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.
18 Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; (A)kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, (B)at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.
19 Ang araw ay (C)hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang (D)liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.
20 Ang iyong araw ay (E)hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.
21 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na (F)lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, (G)ang sanga ng aking pananim, ang (H)gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.
22 Ang munti ay magiging isang libo, at (I)ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.
27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, (A)Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.
29 Nang magkagayo'y (B)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (C)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.
30 At nangadilat ang kanilang mga mata. (D)At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, (E)Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.
31 Datapuwa't sila'y nagsialis, at (F)kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon.
32 At samantalang sila'y nagsisialis, (G)narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na (H)inaalihan ng demonio.
33 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito.
34 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, (I)sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978