Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 (B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 (E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17 Sapagka't narito, ako'y (A)lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (B)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 (C)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (D)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (E)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (F)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't (G)kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, (H)o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't (I)sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari, (J)na bago sila magsitawag, sasagot ako; (K)at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25 Ang lobo at ang kordero (L)ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at (M)alabok ang magiging pagkain ng ahas. (N)Sila'y hindi (O)mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
6 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang (A)walang mga gawa,
7 Na sinasabi,
(B)Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad,
At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
8 Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
9 Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
10 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:
11 At tinanggap niya (C)ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y (D)maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;
12 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli.
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (E)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978