Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Mayamang mga pangako sa nalulungkot na Sion.
49 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh (A)mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng (B)Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:
2 At kaniyang ginawa ang (C)aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
3 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay (D)aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.
4 Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang (E)walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; (F)gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (G)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
7 (H)Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, (I)doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.
71 Sa iyo (A)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
2 (B)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(C)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
3 (D)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(E)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
4 Sagipin mo ako, (F)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
5 Sapagka't ikaw ay (G)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6 (H)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
7 (I)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
8 Ang bibig ko'y (J)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
9 (K)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (L)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (M)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (N)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (A)nangapapahamak; nguni't (B)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (C)nangaliligtas.
19 Sapagka't nasusulat,
(D)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (E)sa sanglibutang ito? hindi baga (F)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
22 (G)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:
23 Datapuwa't ang (H)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (I)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (J)kapangyarihan ng Dios, at (K)ang karunungan ng Dios.
25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (L)pagkatawag, mga kapatid, na (M)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
27 Kundi pinili ng Dios (N)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (O)oo at ang mga bagay na walang halaga (P)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
29 Upang walang (Q)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (R)karunungang mula sa Dios, at (S)katuwiran at (T)kabanalan, (U)at katubusan:
31 Na, ayon sa nasusulat, (V)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
20 Mayroon (A)ngang ilang (B)Griego sa (C)nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (D)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na (E)ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang umiibig sa (G)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (H)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (I)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
27 Ngayon ay (J)nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. (K)Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, (L)Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31 Ngayon (M)ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kung ako'y mataas na (N)mula sa lupa, (O)ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33 Datapuwa't (P)ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (Q)kautusan (R)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (S)sasagitna ninyo ang ilaw. (T)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (U)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.
Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (V)siya'y umalis at nagtago sa kanila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978