Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 23

Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.

23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
(G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Exodo 2:15-25

15 Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito, ay minithi niyang patayin si Moises. Datapuwa't si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon, at tumahan sa lupain ng Madian: (A)at siya'y umupo sa tabi ng isang balon.

16 (B)Ang saserdote[a] nga sa Madian ay may pitong anak na babae: at sila'y naparoon at umigib ng tubig, at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.

17 At ang mga pastor ay dumating, at sila'y pinalayas: datapuwa't si Moises ay tumayo, at sila'y tinulungan, (C)at pinainom ang kanilang kawan.

18 At nang sila'y dumating kay Raquel[b] na kanilang ama, ay sinabi niya, Bakit kayo tumindig na madali ngayon?

19 At kanilang sinabi, Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor, at saka iniigib pa niya kami ng tubig, at pinainom ang kawan.

20 At kaniyang sinabi sa mga anak niya, At saan naroon siya? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon? tawagin ninyo siya (D)upang makakain ng tinapay.

21 At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon: at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si (E)Zephora na kaniyang anak.

22 At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng (F)Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.

23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing (G)at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.

24 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at (H)naalaala ng Dios ang kaniyang (I)tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,

25 At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.

1 Pedro 2:9-12

Datapuwa't kayo'y (A)isang lahing hirang, isang makaharing (B)pagkasaserdote, (C)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (D)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

10 Na (E)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.

11 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, (F)na nakikipaglaban sa kaluluwa;

12 Na (G)kayo'y mangagkaroon (H)ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa (I)nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa (J)na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw (K)ng pagdalaw.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978