Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 16

Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.

16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (A)sa aking mga labi.
(B)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (C)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(D)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (E)aking puso.
(F)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (G)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (H)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (I)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (J)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (K)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (L)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (M)kasayahan magpakailan man.

Awit ng mga Awit 5:9-6:3

Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
(A)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
Na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan?
10 Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula
Na pinakamainam sa sangpung libo.
11 Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na (B)ginto:
Ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.
12 Ang kaniyang mga mata ay (C)gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig;
Na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.
13 Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng (D)pitak ng mga especia,
Gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay:
Ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga (E)lila na tumutulo ng malabnaw na mira.
14 Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na (F)berilo:
Ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga (G)zafiro.
15 Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto:
Ang kaniyang anyo ay gaya ng (H)Libano na marilag na gaya ng mga sedro.
16 Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis:
Oo, siya'y totoong kaibigibig.
Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan,
Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.

Saan naparoon ang iyong sinisinta,
(I)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Saan tumungo ang iyong sinisinta,
Upang siya'y aming mahanap na kasama mo?
Ang sinisinta ko'y bumaba (J)sa kaniyang halamanan,
(K)Sa mga pitak ng mga especia,
Upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga (L)lila.
Ako'y sa aking sinisinta, (M)at ang sinisinta ko ay akin:
Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

1 Corinto 15:1-11

15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, (A)ang evangelio (B)na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, (C)na siya naman ninyong pinananatilihan,

Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo (D)kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, (E)maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

Sapagka't ibinigay ko (F)sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay (G)dahil sa ating mga kasalanan, (H)ayon sa mga kasulatan,

At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw (I)ayon sa mga kasulatan;

At siya'y (J)napakita kay (K)Cefas, (L)at saka sa labingdalawa;

Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa't ang mga iba'y (M)nangatulog na;

Saka napakita kay Santiago; at saka (N)sa lahat ng mga apostol;

At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya (O)sa akin.

(P)Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't (Q)pinagusig ko ang iglesia ng Dios.

10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng (R)Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus (S)ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: (T)bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.

11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978