Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.
114 Nang (A)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (B)mula sa bayang may ibang wika;
2 (C)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(D)Ang Israel ay kaniyang sakop.
3 Nakita (E)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
4 (F)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
5 (G)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6 Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
7 Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
8 (H)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Si Jonas ay tumakas na patungo sa Tarsis.
1 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay (A)Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa (B)Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
3 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa (C)Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa (D)Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula (E)sa harapan ng Panginoon.
4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing (F)ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang (G)inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.
7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at (H)tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong (I)saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka?
9 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
10 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,
Si Jonas ay itinapon sa dagat at nilamon ng isda.
11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y nagsidaing (J)sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, (K)at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na (L)tatlong araw at tatlong gabi.
19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
20 Datapuwa't si (A)Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging (B)pangunahing bunga ng nangatutulog.
21 Sapagka't (C)yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; (D)pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya (E)ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan (F)ang lahat niyang mga kaaway.
26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay (G)ang kamatayan.
27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, (H)ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay (I)mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak (J)rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978