Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
14 Ang Panginoon ay (A)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (B)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (C)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (D)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (E)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (F)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(G)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (H)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
Ang awit ni Moises at ni Miriam.
15 Nang magkagayo'y inawit ni (A)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
2 Ang Panginoon ay aking lakas at (B)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (C)tatanghalin.
3 Ang Panginoo'y isang (D)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
4 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
5 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (E)parang isang bato.
6 (F)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
7 At sa kalakhan ng iyong (G)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (H)dayami.
8 (I)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (J)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
9 Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (K)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 (L)Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong (M)tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila (N)sa banal mong tahanan.
14 (O)Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang (P)kumapit sa mga taga Filistia.
15 (Q)Nang magkagayo'y natulig (R)ang mga pangulo sa Edom;
(S)Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16 Sindak at gulat ang (T)sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na (U)parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito (V)na iyong kinamtan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at (W)sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
(X)Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 (Y)Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
12 Mangagbihis nga kayo (A)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (B)ng isang pusong mahabagin, ng (C)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (D)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (E)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (F)na diya'y tinawag din naman kayo (G)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (H)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
17 At anomang inyong ginagawa, (I)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978