Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 10:34-43

34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,

Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:

35 Kundi (A)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (B)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (C)(siya'y Panginoon ng lahat)—

37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (D)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;

38 Sa makatuwid baga'y si (E)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (F)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.

39 At mga saksi (G)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.

40 Siya'y muling binuhay ng Dios (H)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.

41 (I)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (J)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (K)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.

42 At (L)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (M)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.

43 Siya ang pinatotohanan ng (N)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (O)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

Jeremias 31:1-6

Ang mapagligtas na pagibig ng Panginoon at ang muling pagkakatayo ng Israel.

31 Sa panahong yaon, (A)sabi ng Panginoon, (B)magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, (C)nang aking papagpahingahin.

Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig (D)kita (E)ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit (F)sa iyo na may kagandahang-loob.

(G)Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.

Muli kang magtatanim ng mga ubasan (H)sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.

Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. (I)Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.

Mga Awit 118:1-2

Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.

118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Awit 118:14-24

14 Ang Panginoon ay (A)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (B)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (C)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (D)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (E)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (F)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(G)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (H)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

Colosas 3:1-4

Kung kayo nga'y (A)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.

Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Sapagka't (B)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.

Pagka si Cristo na (C)ating buhay ay mahayag, (D)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (E)sa kaluwalhatian.

Mga Gawa 10:34-43

34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,

Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:

35 Kundi (A)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (B)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (C)(siya'y Panginoon ng lahat)—

37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (D)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;

38 Sa makatuwid baga'y si (E)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (F)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.

39 At mga saksi (G)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.

40 Siya'y muling binuhay ng Dios (H)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.

41 (I)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (J)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (K)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.

42 At (L)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (M)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.

43 Siya ang pinatotohanan ng (N)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (O)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

Juan 20:1-18

20 (A)Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita (B)ang bato na naalis na sa libingan.

Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang (C)alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.

Umalis nga si Pedro, (D)at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.

At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;

At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, (E)ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.

Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,

At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.

Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.

Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang (F)kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.

10 Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.

11 Nguni't si Maria ay nakatayo (G)sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;

12 At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.

13 At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.

14 Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, (H)at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.

15 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.

16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.

17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa (I)aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako (J)sa aking Ama at inyong Ama, at (K)aking Dios at inyong Dios.

18 Naparoon si Maria Magdalena (L)at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.

Mateo 28:1-10

28 (A)Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang (B)nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena (C)at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.

At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit (D)ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.

Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:

At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig (E)ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.

At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.

Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, (F)ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.

At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y (G)nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.

At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang (H)takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

At narito, sila'y sinalubong ni (I)Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at (J)sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978