Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 (E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (A)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (B)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (C)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (D)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (E)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (F)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.
26 Sa araw na (A)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (B)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (C)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.
3 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
4 Magsitiwala kayo sa Panginoon (D)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
13 Kaya't (A)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (B)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (C)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (D)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (E)sa kawalang kaalaman:
15 Nguni't yamang banal (F)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (G)ng pamumuhay;
16 Sapagka't nasusulat, (H)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978