Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 2:14

14 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.

Mga Gawa 2:36-41

36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (A)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.

37 Nang marinig nga nila ito, (B)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?

38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (C)Mangagsisi kayo, at (D)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (E)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (F)ang kaloob ng Espiritu Santo.

39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (G)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (H)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.

40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.

41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (I)ang may tatlong libong kaluluwa.

Mga Awit 116:1-4

Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.

116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
(E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.

Mga Awit 116:12-19

12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (A)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (B)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (C)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (D)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (E)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (F)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Pedro 1:17-23

17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (A)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (B)takot ang panahon ng inyong (C)pangingibang bayan:

18 Na inyong nalalamang (D)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (E)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;

19 Kundi ng mahalagang (F)dugo, gaya ng sa (G)korderong (H)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:

20 (I)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (J)sa mga huling panahon dahil sa inyo,

21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (K)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (L)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

22 Yamang (M)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (N)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (O)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:

23 (P)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (Q)sa pamamagitan (R)ng salita ng Dios (S)na nabubuhay at namamalagi.

Lucas 24:13-35

13 At narito, (A)dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.

14 At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.

15 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.

16 Datapuwa't sa (B)mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala.

17 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.

18 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?

19 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, (C)na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:

20 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.

21 Datapuwa't hinihintay naming (D)siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.

22 Bukod sa rito (E)iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong (F)maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;

23 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita (G)ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buháy.

24 At nagsiparoon sa libingan ang (H)ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.

25 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!

26 (I)Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?

27 (J)At magmula kay (K)Moises at sa (L)mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.

28 At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.

29 At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.

30 At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay (M)kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.

31 At (N)nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.

32 At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

33 At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, (O)at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at (P)ang kanilang mga kasama.

34 Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at (Q)napakita kay Simon,

35 At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at (R)kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978