Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 100

Awit na pagpapasalamat.

100 Magkaingay kayo na (A)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(B)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(C)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
(D)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Ezekiel 34:23-31

23 At ako'y maglalagay ng (A)isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y (B)ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor,

24 At (C)akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay (D)prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita.

Ang tipan ng kapayapaan.

25 At (E)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (F)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (G)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.

26 At aking gagawing (H)mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng (I)ulan ng pagpapala.

27 At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila.

28 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila.

29 At aking pagkakalooban sila ng mga (J)pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng (K)kahihiyan sa mga bansa.

30 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.

31 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

Mga Hebreo 13:20-21

20 Ngayon (A)ang Dios ng kapayapaan (B)na muling nagdala mula sa mga patay (C)sa dakilang pastor ng mga tupa (D)sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,

21 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa (E)bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, (F)na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; (G)na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978