Add parallel Print Page Options

(A)At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, (B)at walang katatakutan kayo: (C)at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, (D)ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.

Read full chapter

At ang lobo ay tatahang (A)kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit (B)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (C)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

Read full chapter

Hindi magkakaroon ng leon doon, (A)o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.

Read full chapter

18 At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko (A)sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at (B)aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing (C)tiwasay.

Read full chapter