Add parallel Print Page Options

(A)At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, (B)at walang katatakutan kayo: (C)at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, (D)ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.

Read full chapter

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit (A)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (B)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

Read full chapter