Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 100

Awit na pagpapasalamat.

100 Magkaingay kayo na (A)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(B)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(C)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
(D)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Jeremias 23:1-8

Ang masamang pastor at ang matuwid na sanga.

23 Sa aba ng mga pastor (A)na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.

At (B)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.

At ako'y maglalagay ng mga (C)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (D)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (E)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (F)kahatulan at kaganapan sa lupain.

Sa kaniyang mga kaarawan ay (G)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (H)katuwiran.

Kaya't narito, ang mga araw ay (I)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;

Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.

Mateo 20:17-28

17 Samantalang (A)umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,

18 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,

19 At ibibigay siya (B)sa mga Gentil upang siya'y kanilang (C)alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at (D)sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

20 Nang magkagayo'y (E)lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni (F)Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.

21 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, (G)ang isa sa iyong kanan, at ang isa (H)sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.

22 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo (I)ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.

23 Sinabi niya sa kanila, (J)Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.

24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.

25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, (K)Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi (L)ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;

27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

28 Gayon din naman (M)ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at (N)ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa (O)marami.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978