Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 17:1-7

Ang tubig mula sa bato sa Rephidim.

17 (A)At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin, sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon, at humantong sa Rephidim: at walang tubig na mainom ang bayan.

(B)Kaya't ang bayan ay nakipagtalo kay Moises, at nagsabi, Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom. At sinabi ni Moises sa kanila, Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? (C)bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?

At ang bayan ay nauhaw at (D)inupasala ng bayan si Moises, at sinabi, Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan?

At si Moises ay dumaing sa Panginoon, na nagsasabi, Anong aking gagawin sa bayang ito? kulang na lamang (E)batuhin nila ako.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong (F)ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka.

(G)Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.

At (H)tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?

Mga Awit 95

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
(H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.

Roma 5:1-11

Yaman nga na (A)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (B)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (C)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (D)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (E)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (F)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (G)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (H)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Sapagka't (I)nang tayo ay mahihina pa ay (J)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (K)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (L)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't (M)kung, noong tayo'y mga kaaway (N)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (O)sa kaniyang buhay;

11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.

Juan 4:5-42

Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang (A)ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak:

At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.

Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako.

Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain.

Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap (B)ang mga Judio sa mga Samaritano.)

10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya (C)ng tubig na buhay.

11 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay?

12 Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop?

13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa't uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw:

14 Datapuwa't (D)ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa (E)kabuhayang walang hanggan.

15 Sinabi sa kaniya ng babae, (F)Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa.

16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka.

17 Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa:

18 Sapagka't nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito'y sinabi mo ang katotohanan.

19 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, (G)napaghahalata kong ikaw ay isang propeta.

20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na (H)ito; at sinasabi ninyo, na (I)sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.

21 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, (J)na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.

22 Sinasamba ninyo (K)ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; (L)sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.

23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa (M)espiritu at (N)katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

25 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto (O)ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya (P)sa amin ang lahat ng mga bagay.

26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.

27 At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?

28 Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,

29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, (Q)na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?

30 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.

31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, (R)kumain ka.

32 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman.

33 Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain?

34 Sinabi sa kanila ni Jesus, (S)Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.

35 Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, (T)na mapuputi na upang anihin.

36 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang (U)ang naghahasik (V)at ang umaani ay mangagalak kapuwa.

37 Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.

38 Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at (W)kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.

39 At marami sa mga Samaritano sa bayang (X)yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.

40 Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw.

41 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita;

42 At sinabi nila sa babae, Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka't (Y)kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978