Add parallel Print Page Options

At bumaba si (A)Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo.

At ang mga karamiha'y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila, at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya.

Sapagka't sa (B)maraming may mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, (C)na nangagsisisigaw ng malakas na tinig: at maraming lumpo, at pilay, ang pinagaling.

At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon.

Datapuwa't may isang tao, na nagngangalang Simon, na nang unang panaho'y nanggagaway sa bayan, at (D)pinahahanga ang mga tao sa Samaria, at nagsasabing siya'y isang dakila:

10 Na siyang pinakikinggan nilang lahat, buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, na sinasabi, (E)Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila.

11 At siya'y pinakinggan nila, sapagka't mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway.

12 Datapuwa't nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral (F)ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae.

13 At si Simon man ay naniwala rin: at nang mabautismuhan na, ay nanatili siyang kasama ni Felipe; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa, ay napahanga siya.

14 Nang mabalitaan nga (G)ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila (H)si Pedro at si Juan:

15 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, (I)upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.

16 Sapagka't ito'y hindi (J)pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan (K)lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.

17 Nang magkagayo'y ipinatong (L)sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.

Read full chapter

25 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano.

Read full chapter