Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 95

Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.

95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
(H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.

Exodo 16:9-21

At (A)sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, (B)Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala.

10 At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay (C)lumitaw sa ulap.

11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

12 Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel: salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin, Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne, at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.

Pugo at Mana ay ipinagkaloob.

13 At nangyari sa kinahapunan na ang mga (D)pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan, ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang (E)hamog.

14 At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na, narito, sa balat ng ilang ay (F)may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa.

15 At nang makita ng mga anak ni Israel, ay nagsangusapan, Ano ito? sapagka't hindi nila nalalaman kung ano yaon. At sinabi ni Moises sa kanila, Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin.

16 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa't tao (G)ayon sa kaniyang kain; (H)isang omer sa bawa't ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa't tao para sa mga nasa kaniyang tolda.

17 At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti.

18 At nang timbangin sa omer, (I)ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang; bawa't tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain.

19 At sinabi ni Moises sa kanila, Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga.

20 Gayon ma'y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises.

Ang pamumulot ng Mana.

21 At sila'y namumulot tuwing umaga, bawa't tao ayon sa kaniyang kain: at pagka ang araw ay umiinit na, ay natutunaw.

Efeso 2:11-22

11 Kaya nga (A)alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na (B)Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:

12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa (C)mga tipan ng pangako, na (D)walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.

13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo (E)ay inilapit sa dugo ni Cristo.

14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (F)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

15 Na inalis (G)ang pagkakaalit (H)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (I)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;

16 At (J)upang papagkasunduin silang dalawa sa (K)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (L)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.

17 At siya'y naparito (M)at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:

18 Sapagka't (N)sa pamamagitan niya (O)tayo'y may pagpasok sa (P)isang Espiritu rin sa Ama.

19 Kaya nga hindi na kayo mga (Q)taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga (R)kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,

20 (S)Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga (T)apostol at ng mga (U)propeta, na si Cristo Jesus din (V)ang pangulong bato sa panulok;

21 Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging (W)isang templong banal sa Panginoon;

22 Na sa kaniya'y itinayo naman (X)kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978