Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
4 Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
5 (F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
10 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay?
11 Sabihin mo sa kanila, Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, (A)wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; (B)sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?
12 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, (C)Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala.
13 Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.
14 Muli, (D)pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid;
15 Kung (E)isauli ng masama ang sanla, (F)ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng (G)buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
16 (H)Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay.
15 At humihip (A)ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi,
(B)Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa (C)kaniyang Cristo: (D)at siya'y maghahari magpakailan kailan man.
16 At ang dalawangpu't apat na matatanda (E)na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,
17 Na nangagsasabi,
Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, (F)na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
18 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang (G)iyong poot, at (H)ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.
19 At nabuksan (I)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (J)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (K)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978