Isaias 24:23
Ang Biblia (1978)
23 Kung magkagayo'y malilito (A)ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang (B)Panginoon ng mga hukbo ay maghahari (C)sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.
Read full chapter
Daniel 7:14
Ang Biblia (1978)
14 (A)At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang (B)lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: (C)ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.
Read full chapter
Daniel 7:18
Ang Biblia (1978)
18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin[a] ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.
Read full chapterFootnotes
- Daniel 7:18 Mat. 25:34. Apoc. 20:4; 22:5.
Daniel 7:27
Ang Biblia (1978)
27 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: (A)ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.
Read full chapter
Lucas 1:33
Ang Biblia (1978)
33 At siya'y maghahari sa angkan (A)ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978