Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
4 Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
5 (F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Ang apat na kerubin na pangitain ni Ezekiel.
1 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na (A)ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga (B)pangitain mula sa Dios.
2 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng (C)pagkabihag ng haring Joacim,
3 Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na (D)saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, (E)ay sumasa kaniya.
8 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (A)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.
9 At nang ako'y tumingin, narito, (B)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (C)ay nandoon;
10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (D)sa loob at sa labas; at may (E)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.
Ang pagkakasugo sa Propeta.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; (F)kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.
2 Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. (G)Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.
10 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; (A)at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang (B)mukha ay gaya ng araw, at ang (C)kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;
2 At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;
3 At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
4 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (D)Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
5 At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay (E)itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,
6 At ipinanumpa (F)yaong nabubuhay magpakailan kailan man, (G)na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
8 At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
9 At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, (H)Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.
10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; (I)at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
11 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978