Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 121

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
(H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mikas 7:18-20

18 (A)Sino ang Dios na gaya mo, (B)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.

19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (C)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.

20 Iyong isasagawa (D)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.

Roma 3:21-31

21 Datapuwa't ngayon (A)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (B)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (C)walang pagkakaiba;

23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (D)ng kaniyang biyaya (E)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

25 Na siyang inilagay ng Dios (F)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (G)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (H)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

27 (I)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (J)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.

29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:

30 Kung gayon (K)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.

31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (L)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978