Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.
37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
2 Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
4 (D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
5 Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
7 (F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
8 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
9 (I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.
10 (K)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(L)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (M)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (N)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (O)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (P)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(Q)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (R)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (S)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
Si Ruth ay namulot sa bukid ni Booz.
2 At si Noemi ay may (A)kamaganak ng kaniyang asawa, isang mayamang makapangyarihan, sa angkan ni Elimelech; at ang pangalan niya'y (B)Booz.
2 At sinabi ni Ruth na Moabita kay Noemi, Paparoonin mo ako ngayon sa bukid, at (C)mamulot ng mga uhay sa likuran niyaong aking kasumpungan ng biyaya sa paningin. At sinabi niya sa kaniya, Yumaon ka, anak ko.
3 At siya'y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech.
4 At, narito, si Booz ay nanggaling sa Beth-lehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang (D)Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.
5 Nang magkagayo'y sinabi ni Booz sa kaniyang lingkod na kaniyang katiwala sa mga mangaani, Sinong babae ito?
6 At ang lingkod na katiwala sa mga mangaani ay sumagot at nagsabi, Siya'y babaing Moabita (E)na bumalik na kasama ni Noemi na mula sa lupain ng Moab:
7 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyong pamulutin mo ako, at papagtipunin sa likuran ng mga mangaani sa gitna ng mga bigkis. Sa gayo'y naparoon siya at nagpatuloy, sa makatuwid baga'y mula sa umaga hanggang ngayon, liban sa siya'y nagpahingang sangdali sa bahay.
Si Booz ay naging mabuti kay Ruth.
8 Nang magkagayo'y sinabi ni Booz kay Ruth, Di mo ba naririnig, anak ko? Huwag kang mamulot sa ibang bukid, o lumagpas man dito, kundi manahan ka ritong malapit sa piling ng aking mga alilang babae.
9 Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang inaanihan, at sumunod ka sa kanila; di ba ibinilin ko sa mga bataan na huwag ka nilang gagalawin? At pagka ikaw ay nauuhaw, pumaroon ka sa mga banga, at uminom ka sa inigib ng mga bataan.
10 (F)Nang magkagayo'y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa, at nagsabi sa kaniya, Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako, dangang ako'y taga ibang lupa?
11 At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang (G)buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una.
12 (H)Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa (I)ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan.
13 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Makasumpong nawa ako ng biyaya sa iyong paningin, (J)panginoon ko; sapagka't ako'y iyong inaliw, at sapagka't may kagandahang loob na pinagsalitaan mo ang iyong lingkod, bagaman ako'y (K)hindi gaya ng isa sa iyong mga alila.
14 At sa pagkain ay sinabi ni Booz sa kaniya, Parito ka, at kumain ka ng tinapay, at basain mo ang iyong subo (L)sa suka. At siya'y umupo sa siping ng mga mangaani: at iniabot niya sa kaniya, ang sinangag na trigo, at siya'y kumain, at (M)nabusog, at lumabis.
15 At nang siya'y tumindig upang mamulot, ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan, na sinasabi, Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis, at huwag ninyo siyang hiyain.
16 At ihugot din ninyo siya ng ilan sa mga bigkis, at iwan ninyo at pamulutin niya, at huwag ninyong hiyain siya.
5 (A)Magsiparito (B)ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating.
2 Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang (C)inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga.
3 Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. (D)Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan (E)sa mga huling araw.
4 Narito, ang kaupahan (F)ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at (G)ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng (H)mga hukbo.
5 Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa (I)araw ng patayan.
6 (J)Inyong hinatulan, (K)inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978