Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 78:17-20

17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(A)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (B)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (C)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?

Mga Awit 78:52-55

52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (A)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (B)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (C)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (D)binahagi sa kanila na pinakamana (E)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.

1 Mga Hari 19:9-18

Ang tinig ng Panginoon.

At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

10 At sinabi niya, Ako'y naging totoong (A)marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at (B)pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: (C)at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin.

11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka (D)sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, (E)at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:

12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay (F)isang marahang bulong na tinig.

13 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay (G)tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias?

14 At kaniyang sinabi, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko, upang kitlin.

15 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong (H)pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria.

16 At (I)si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo.

17 At mangyayari (J)na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay (K)papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay (L)papatayin ni Eliseo.

18 (M)Gayon ma'y iiwan ko'y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya.

Roma 11:1-6

11 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't (A)ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.

(B)Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na (C)nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:

Panginoon, pinatay nila (D)ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.

Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? (E)Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.

Gayon din nga (F)sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.

Nguni't (G)kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978