Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (A)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (B)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (C)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (D)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (E)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (F)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (G)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (H)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (I)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (J)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(K)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
2 At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova.
3 At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob (A)na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang (B)Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.
4 (C)At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila (D)na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain ng kanilang pakikipamayan, na kanilang pinakipamayanan.
5 At bukod dito'y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin; at aking naalaala ang aking tipan.
6 Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, (E)at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan:
7 (F)At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, (G)at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
8 At aking dadalhin kayo sa lupain, na siyang (H)pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana: ako'y si Jehova.
9 At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel; datapuwa't hindi sila nakinig kay Moises, dahil sa yamot, at dahil sa mabagsik na pagkaalipin.
8 Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang (A)dakilang saserdote, (B)na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,
2 Ministro (C)sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.
3 Sapagka't ang (D)bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y (E)kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog.
4 Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;
5 Na nangaglilingkod sa anyo at (F)anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, (G)Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.
6 Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong (H)lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y (I)tagapamagitan sa isang tipang (J)lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.
7 Sapagka't (K)kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978