Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang kabagsikan ng pagdalaw.
2 (A)Hipan ninyo ang pakakak (B)sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't (C)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
2 Araw ng kadiliman (D)at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya (E)ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.
12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (A)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (B)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:
13 At (C)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (D)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, (E)at magsisisi, at magiiwan ng isang (F)pagpapala sa likuran niya, (G)ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?
15 (H)Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: (I)magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
16 Tipunin ninyo ang bayan, (J)banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; (K)lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.
17 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, (L)sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: (M)bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang mali at ang matuwid na pagtupad ng pagpapakasakit.
58 (A)Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
2 Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; (B)sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.
3 Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, (C)at hindi mo nakikita? ano't (D)aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
4 Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, (E)upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.
5 Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
6 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, (F)na pagaanin ang mga pasan at (G)papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?
7 (H)Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
8 Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, (I)at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; (J)ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
9 Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, (K)ang pagtuturo, at ang (L)pagsasalita ng masama:
10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;
11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging (M)parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
12 At (N)silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si (A)Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya'y makapasok kay Bath-seba.
51 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan (C)ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 (D)Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka't (E)kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 (F)Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
(G)Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
5 (H)Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 (I)Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis:
Hugasan mo ako (J)at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang (K)ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At (L)magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa (M)iyong harapan;
(N)At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako (O)ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad;
At ang mga makasalanan ay (P)mangahihikayat sa iyo.
14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan;
At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi;
At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't (Q)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 (R)Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
20 (A)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (B)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (C)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (D)katuwiran ng Dios.
6 At yamang (E)kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo (F)na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan
2 (Sapagka't sinasabi niya,
(G)Sa panahong ukol kita'y pinakinggan,
At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan:
Narito, ngayon (H)ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):
3 Na di nagbibigay (I)ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;
4 Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay (J)ipinagkakapuri namin ang aming sarili, (K)gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa (L)mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
5 Sa mga latay, (M)sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
6 Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,
7 Sa (N)salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; (O)sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran (P)sa kanan at sa kaliwa,
8 Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;
9 Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; (Q)tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;
10 (R)Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; (S)tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma'y (T)mayroon ng lahat ng mga bagay.
6 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.
2 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
3 Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:
4 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
5 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin (A)ka.
16 Bukod dito, (A)pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay (B)langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
20 (C)Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978