Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 112:1-9

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (A)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(B)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(C)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (D)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(E)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(F)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (G)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (H)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (I)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (J)sungay ay matataas na may karangalan.

Mga Awit 112:10

10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (A)mapaparam.

Deuteronomio 4:1-14

Ang Israel ay pinaalalahanang sundin ang kautusan ng Panginoon.

At ngayon, Oh Israel, dinggin mo (A)ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.

(B)Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.

Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor; sapagka't lahat ng mga tao na sumunod (C)kay Baal-peor, ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo.

Nguni't kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa't isa sa inyo sa araw na ito.

Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.

Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang (D)inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.

Sapagka't (E)anong dakilang bansa nga ang (F)may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?

At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?

Magingat ka lamang sa iyong sarili, at (G)ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi (H)iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;

10 Yaong (I)araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.

11 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at (J)ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.

12 (K)At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; (L)inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't (M)wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.

13 (N)At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y (O)ang sangpung utos; at (P)kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.

14 (Q)At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin.

1 Juan 5:1-5

Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Sapagka't (D)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (E)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (F)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (G)si Jesus ay anak ng Dios?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978