Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
NUN.
105 (A)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (B)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (D)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (E)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (F)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (G)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (H)hanggang sa wakas.
6 (A)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7 Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
8 (B)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh (C)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (D)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 (E)Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, (F)siya'y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya'y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan (G)ay mababasag siya, at (H)walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (I)Mga palalong mata, (J)sinungaling na dila,
(K)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (L)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(M)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (N)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (O)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.
20 Anak ko, (P)ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 (Q)Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong (R)leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
23 (S)Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag;
At ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, (A)Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.
13 Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.
14 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (B)Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko (C)kung saan ako nanggaling, at (D)kung saan ako paroroon; datapuwa't (E)hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.
15 Nagsisihatol kayo ayon sa laman; (F)ako'y hindi humahatol sa kanino mang tao.
16 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't (G)hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin.
17 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, (H)na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.
18 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.
19 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, (I)Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: (J)kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.
20 Sinalita niya ang mga salitang ito sa (K)dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at (L)walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
21 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at (M)ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
22 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y (N)magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.
23 At sa kanila'y kaniyang sinabi, (O)Kayo'y mga taga ibaba; (P)ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; (Q)ako'y hindi taga sanglibutang ito.
24 Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
25 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una.
26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man (R)ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
27 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.
28 Sinabi nga ni Jesus, (S)Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at (T)wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, (U)ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; (V)hindi niya ako binayaang nagiisa; (W)sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.
30 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay (X)maraming nagsisampalataya sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978