Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
NUN.
105 (A)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (B)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (D)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (E)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (F)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (G)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (H)hanggang sa wakas.
Si Josias ay gumawa ng pangkalahatang pagbabago sa pagsamba.
23 At (A)ang hari ay nagsugo, at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda, at sa Jerusalem.
2 At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya, at ang mga saserdote, at ang mga propeta, at ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki: at kanilang (B)binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng (C)aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.
3 At ang hari ay tumayo sa tabi (D)ng haligi, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng (E)ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso at ng buong kaluluwa, upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito: at ang buong bayan ay nananayo sa tipan.
4 At inutusan ng hari si Hilcias na dakilang saserdote, at ang mga saserdote sa (F)ikalawang hanay, at ang mga tagatanod-pinto, na ilabas sa templo ng Panginoon ang lahat na kasangkapan na ginawa kay (G)Baal at sa mga Asera, at sa lahat na natatanaw sa langit; at kaniyang sinunog sa labas ng Jerusalem sa mga parang ng (H)Cedron, at dinala ang mga abo niyaon sa Beth-el.
5 At kaniyang inalis ang (I)mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda, at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay baal, sa araw, at sa buwan, at sa mga tala, at (J)sa lahat ng natatanaw sa langit.
6 At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon, sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron, at sinunog sa batis ng Cedron, at dinurog, at inihagis ang nangadurog niyaon (K)sa libingan ng karaniwang mga tao.
7 At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga (L)sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, (M)na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera.
8 At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beer-seba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan.
21 At iniutos ng hari sa buong bayan, na sinasabi, (A)Ipagdiwang ninyo ang paskua sa Panginoon ninyong Dios, (B)gaya ng nasusulat sa (C)aklat na ito ng tipan.
22 (D)Tunay na hindi ipinagdiwang ang gayong paskua mula sa mga araw ng mga hukom na naghukom sa Israel, o sa lahat ng mga araw man ng mga hari sa Israel, o ng mga hari man sa Juda;
23 Kundi nang ikalabing walong taon ng haring Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito sa Panginoon sa Jerusalem.
24 Bukod dito'y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, at ang mga terap, at ang mga diosdiosan, at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda, at sa Jerusalem, ay pinagaalis ni Josias, upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na (E)nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon.
25 (F)At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya, na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng (G)buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya.
4 Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong (A)ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina.
2 Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na (B)hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng (C)katotohanan ay (D)ipinagtatagubilin ang aming sarili (E)sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.
3 At kung ang aming evangelio ay (F)natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
4 Na binulag (G)ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, (H)na siyang larawan ng Dios.
5 Sapagka't (I)hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, (J)at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
6 Yamang ang Dios, ang nagsabi, (K)Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.
7 Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, (L)upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;
8 Sa magkabikabila ay (M)nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
9 (N)Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira;
10 Laging saan ma'y (O)tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, (P)upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.
11 Sapagka't kaming nangabubuhay ay (Q)laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.
12 Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978